Tuesday, September 24, 2019

CPP/NPA-East Camarines Sur: Pirata sa bayan ng Garchitorena, dinis-armahan ng Bagong Hukbong Bayan-East Cam Sur

NPA-East Camarines Sur propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 23, 2019): Pirata sa bayan ng Garchitorena, dinis-armahan ng Bagong Hukbong Bayan-East Cam Sur

BALDOMERO ARCANGHEL
NPA-EAST CAMARINES SUR
TOMAS PILAPIL COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
SEPTEMBER 24, 2019

Setyembre 23, alas-7 ng umaga nang isinagawa ng BHB-Caramoan sa ilalim ng Tomas Pilapil Command ang pag-disarma kay Jose Cordial, sa Sityo Mantopo, baryo ng Binagasbasan, Garchitorena. Nakumpiska ang dalawang kalibre 45, dalawang KG9, apat na mga magasin ng 45, apat na magasin ng KG9, at mga bala ng nasabing baril.

Si Jose Cordial ay inirereklamo ng mga tao dahil sa kanyang pang- aabuso, pananakot at pagpapaputok ng baril bilang isang pirata, imbwelto rin ito sa pagtutulak ng iligal na droga “shabu” at pang- aagaw ng lupa sa mga katabing parsela ng lupa na pag-aari ng ibang magsasaka.

Ang nasabing matagumpay na aksyon ay tugon ng Bagong Hukbong Bayan sa mga hinaing ng mga tao sa naturang lugar . Pagpapatunay ito na handa ang BHB na ipagtanggol ang mamamayan laban sa mga nagwawasiwas ng karahasan at anti- mamamayang mga aksyon katulad ng mga ginagawa ng mga berdugong AFP, PNP at mga paramilitar. Sa gitna ng madugong kampanya ng rehimeng US- Duterte sa buong kapuluan, at pag-uudyok ng pasistang pangulo sa mga pwersa armadang reaksyunaryo na patuloy na labagin ang mga karapatang tao ng mamamayan dahil sa kanilang pagkadesperado na lusawin ang rebolusyonaryong kilusan. Handa ang Bagong Hukbong Bayan kaisa ang sambayanan na harapin ang mga hakbang ng teroristang estado na sumasalungat sa nagkakaisang agos ng rebolusyon tungo sa tunay na demokrasya, tunay na kalayaan, at ganap na pagbabago. Hindi mapipigil ang patuloy na paglakas ng rebolusyon tulad ng rumaragasang agos at malalaking alon na siyang magpapabagsak sa daang-taon ng mapang-aping sistemang naglilingkod lamang dayuhan at iilang naghahari.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.