Tuesday, September 24, 2019

CPP/Ang Bayan: Tigil pasada sa Valenzuela

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 21, 2019): Tigil pasada sa Valenzuela

SA PANGUNGUNA NG PISTON, ikinasa ng may 500 tsuper sa Valenzuela City ang kanilang tigil-pasada laban sa programang “no contact apprehension” ng lokal na pamahalaan noong Setyembre 16. Layunin ng patakaran na itaas ang multa sa mga paglabag ng batas trapiko mula sa dating minimum na ₱150 para sa unang paglabag tungong ₱1,000 hanggang ₱3,000.

Iginiit ng mga tsuper na lubhang mataas ang halagang ito sa kakayanan ng mga drayber, opereytor, at maging motorista. Binatikos din nila ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng ordinansa nang hindi man lang nagsasagawa ng pampublikong konsultasyon. Panawagan nila na ibaba ang minimum tungong ₱500. Imbis na tugunan ang kanilang kahilingan, nagbanta ang meyor ng Valenzuela na si Rex Gatchalian na kakasuhan ang lumahok sa tigil-pasada dahil umano “paglabag” ito sa kanilang prangkisa.

Sa Bacolod City, dalawang oras na nagtigil pasada at nagprotesta ang mga tsuper noong Setyembre 11 upang tutulan ang eksperimentong 45-60 araw na pagbabago ng kanilang mga ruta. Inireklamo nilang hindi na sila kumikita dahil sa layo ng kinakailangan nilang ikutan.

Nanawagan naman ang PISTON, Stop and Go at Alliance of Concerned Transport Organizations ng malawakang tigil-pasada sa Setyembre 30 para tutulan ang nakaambang pagtanggal ng mga dyip sa kalsada sa tabing ng “jeepney modernization program.”

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/09/21/tigil-pasada-sa-valenzuela/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.