Tuesday, September 24, 2019

CPP/Ang Bayan: Sa ika-47 taon ng batas militar: Protestang bayan laban sa diktadura, inilunsad

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 21, 2019): Sa ika-47 taon ng batas militar: Protestang bayan laban sa diktadura, inilunsad

NAGPROTESTA ANG LIBU-LIBONG mamamayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang noong Setyembre 20 bilang paggunita sa ika-47 taon ng deklarasyon ng batas militar ng diktador na si Ferdinand Marcos. Sa pangunguna ng mga kabataan, mariing kinundena ng mga nagprotesta ang tiraniya at tangkang magtatag ng isang diktadura ng rehimeng Duterte.

Sa Maynila, libu-libo ang nagmartsa mula Mendiola tungong Luneta Park kung saan inilunsad ang mayor na bahagi ng programa. Dumalo sa pagkilos ang iba’t ibang sektor bitbit ang kanilang mga panawagan laban sa panunupil ng rehimen. Pangunahin nilang kinundena ang malawakang pagbansag nito sa mga mag-aaral, mamamahayag, magsasaka at iba pa bilang mga komunista. Tinuligsa rin nila ang tumitinding presensyang militar sa mga kampus at komunidad.

Lumahok sa pagkilos ang may 400 magsasaka at aktibista sa pangunguna ng BAYAN-Bicol. Kinundena ng grupo ang pagpapatupad sa Memorandum Order (MO) 32 at Executive Order 70 na nag-institusyonalisa sa “whole of nation” approach ng rehimen na epektibong nagpailalim sa bansa sa hindi-deklaradong batas militar. Nagreresulta ito sa walang puknat na paglabag sa karapatang-tao at pagsidhi ng krisis sa kabuhayan.

Iginiit ni Raoul Manuel ng Youth Act Now against Tyranny na hindi na dapat pang manumbalik ang lagim ng diktadura sa bansa.

Dumalo rin at nakiisa sa protesta ang iba’t ibang grupo na kasapi ng United People’s Coalition. Mariin nilang kinundena ang pagtugis at pamamaslang sa mga relihiyoso, manggagawa at tagapagtaguyod ng karapatang tao dahil lamang sa kanilang pampulitikang paninindigan at pagpapahayag ng disgusto sa mga patakaran ni Duterte.

Samantala, naglunsad din ng magkakahiwalay na protesta sa iba’t ibang sentrong bayan sa buong bansa kabilang ang Los BaƱos, Baguio, Angeles, Tarlac, Cebu, Iloilo at Davao City.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/09/21/sa-ika-47-taon-ng-batas-militar-protestang-bayan-laban-sa-diktadura-inilunsad/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.