Tuesday, September 24, 2019

CPP/Ang Bayan: Resolusyon para sa mga magsasaka ng palay

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 21, 2019): Resolusyon para sa mga magsasaka ng palay

BILANG TUGON SA sumisidhing krisis sa bigas, naghain ng resolusyon ang 53 kongresista sa pangunguna ng Makabayan Bloc noong Setyembre 19 sa Kongreso upang ipanukalang dagdagan ng ₱15 bilyon ang badyet ng National Food Authority (NFA). Gagamitin ito para sa pagbili ng 750,000 metriko-toneladang (MT) palay mula sa mga lokal na magsasaka sa halagang P20/kilo. Iginiit nila na lubhang kulang ang ipinanukalang ₱7-bilyong alokasyon ng rehimen para sa pagbili ng Palay. Anila, makakabili lamang ng 350,000 MT palay ang halagang ito.

Para makaagapay ang sektor sa harap ng pananalasa ng Rice Liberalization Law, ipinanukala din sa resolusyon na ibenta ang bigas ng NFA sa halagang ₱27/kilo.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/09/21/resolusyon-para-sa-mga-magsasaka-ng-palay/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.