Saturday, July 13, 2024

CPP/NPA-Northern Samar/Eastern Visayas ROC: 74th IB: Desperado sa pagdurog sa NPA, mga menor de edad target ng paglabag sa karapatang pantao

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 13, 2024): 74th IB: Desperado sa pagdurog sa NPA, mga menor de edad target ng paglabag sa karapatang pantao (74th IB: Desperate to crush the NPA, minors are targets of human rights violations)
 


NPA-Northern Samar (Rodante Urtal Command)
Eastern Visayas Regional Operational Command (Efren Martires Command)
New People's Army

July 13, 2024

Mariing kinokondena ng Rodante Urtal Command-New People’s Army ng Northern Samar ang pinakahuling kasinungalingan, pagpalaganap ng fake news at paglabag ng 74th “Unbeatable” Infantry Battalion sa karapatang pantao at internasyunal na makataong batas noong June 2, 2024 sa mga residente ng Sityo Canonghan, Barangay OsmeƱa, Palapag, Northen Samar.

Hindi totoong nakasagupa ng nag-ooperasyong tropa nito ang NPA at “nirescue” ang mga menor de edad. Ang totoo, walang habas na inistraping ng tropa nito ang may 11 sibilyan kabilang ang 7 menor de edad habang nasa isang koprasan. Hindi pa nakontento, iligal na inaresto ng nag-ooperasyong tropa ang mga sibilyan, dinala sa kampo at ginawang “hostage” o “pain” para mapresyur ang magulang na sumuko. Para bigyang katwiran ang iligal na pag aresto, pinalabas nitong “food courier” ng NPA ang mga menor de edad at kanilang “narescue”. Habang nasa kamay ng 74th IB ay nakaranas ng mental torture at pisikal na pag abuso ang mga menor de edad.

Kalakhan sa mga batang menor de edad ay anak ng mga sibilyang magsasakang pilit na pinapasuko ng 74th IB. Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na dumanas sila ng panggigipit mula sa tropa ng 74th IB. Sa katunayan, ang isang menor de edad na babae ay dati nang iligal na inaresto sa kanilang sakahan sa may bahaging 447 ng Barangay Capacujan, Palapag, NS noong 2023. Ilang buwan na ginawang “hostage” at “pain” ang nasabing bata at ilan pa niyang kapatid na menor de edad para pasukuin ang sibilyang magulang nito na matagal nang pinipresyur ng 74th IB.

Hindi lamang dumaan sa mental torture ang mga kabataan kaya napilitang umamin at magbigay ng impormasyon na labag sa kanilang kalooban, nilason din ang mga utak nila ng samu’t-saring masamang salita ng 74th IB kaugnay sa kanilang mga magulang. Higit sa lahat ang gawin silang espiya o civilian asset ng mga pasistang sundalo para sa counterinsurgency na gawain.

Ang pinakahuling hakbang ng 74th IB ay pagpapakita ng pagiging desperado nito para abutin ang deadline na pagwasak sa rebolusyonaryong kilusan ngayon 2024. Nais ng 74th IB na pumusturang “unbeatable” at manguna sa lahat ng larangan sa pagtatapos ng rebolusyonaryong kilusan sa Northern Samar. Isang kahambugang pahayag nito na naglikha din ng sigalot at kompetensya sa minamaliit nitong dating nakateretoryo na 20th IB.

Ngunit, walang hindi nagagapi sa pagpapalaganap ng kasinungalingan, fake news at mga paglabag sa karapatang pantao tulad ng nakagawian at oryentasyon ng 74th IB. Ito ang mga katangiang kinakamuhian ng kalakhan ng masang anakpawis kabilang ang mga magsasaka ng Palapag.

Ang totoong hindi magagapi ay ang demokratikong rebolusyong bayan. Ang dati nang pagkalugmok sa kahirapan ng mga magsasaka sa bayan ng Palapag na pinatindi pa ng mga paglimita sa pagpunta sa sakahan hanggang sa pagpapatupad ng lockdown na may epekto sa kanilang kabuhayan at iba pang anyo ng mga paglabag sa karapatang pantao ay mga materyal na batayan para mabuo ang isang nagkakaisang lakas para sa pagbawi at pagsulong ng rebolusyunaryong paglaban.

https://philippinerevolution.nu/statements/74th-ib-desperado-sa-pagdurog-sa-npa-mga-menor-de-edad-target-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.