NPA-Aurora (Domingo Erlano Command)
Central Luzon Regional Operational Command (Josepino Corpuz Command)
New People's Army
May 29, 2024
Matagumpay na nakapag-aktibong depensa ang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Domingo Erlano Command sa naganap na labanan noong gabi ng Mayo 28 sa Baranggay Bazal sa bayan ng Maria Aurora kung saan apat ang siguradong kaswalting natamo ng mga nag-ooperasyong tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lugar. Nagtagal nang ilang minuto ang palitan ng putok. Pagkatapos nito ay walang habas ng nagpaputok ang tropa ng AFP habang ligtas at organisadong nakaatras ang mga kasama.
Ang nasabing labanan ay resulta ng nagpapatuloy na operasyong militar ng kaaway bago pa man ang unang engkwentro noong Mayo 20 ng umaga.
Sa ganitong sitwasyon hindi kapayapaan ang tunay na hangad ng AFP kundi karahasan sa hanay ng mamamayan ng Aurora. Sa halip na ituon ang pondo ng bayan sa pagbibigay ng de kalidad na serbisyong publiko, naglulustay ang AFP ng milyon-milyong pondo sa tuluy-tuloy na mga combat operation. Tuluy-tuloy ang pagpapalipad ng mga drone at mga helicopter sa lugar, pinagbabawalan ang mga sibilyang populasyon sa ligtas na paghahanapbuhay sa baryo at kabundukan.
Nananawagan kami sa mamamayan na suportahan natin ang tunay na hukbo ng mamamayan ang NPA.
https://philippinerevolution.nu/statements/aktibong-depensa-tugon-ng-npa-sa-nagpapatuloy-na-fmo-ng-afp-sa-aurora/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.