Gregorio Caraig
Spokesperson
NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
February 07, 2024
Tila ibang mukha ng 59th IBPA ang mababakas sa kanilang huling mga pahayag matapos ang naganap na labanan sa Barangay Guinhawa, Taysan nitong nakaraang Pebrero 2. Nagtangkang maging malumanay at animo’y pagpapaawa sa publiko, lalo na sa mamamayan ng Barangay Guinhawa ang pahayag ng 59th IBPA. Pero tulad ng isang hunyango, magbago-bago man ang anyo ay hunyango pa rin.
Habang ingat na ingat sa bibitawang salita sa publiko kaugnay sa naganap na labanan, walang awa namang dinampot, bininbin, sinaktan at pinagbantaan ng mga kasundaluhan ng 59th IBPA ang isang 50-anyos na residenteng may kapansanan sa Barangay Guinhawa. Hindi na nakakapagtaka kung sa mga susunod na araw ay muli nila itong takutin at ligaligin, tulad ng ginawa nila sa ama ni Kyllene Casao upang mapagtakpan muli ang kanilang karahasan.
Kahit ano pang paghahabi ng salita ang gawin ng 59th IBPA at ng AFP, hindi na nito kailanman mabubura sa mamamayan ng Barangay Guinhawa ang bangungot na kanilang nilikha nang walang awa nilang paslangin ang batang si Kyllene, dukutin at ikulong sa kampo ang ama nito, sapilitang ipatawag at pasukuin ang mga inosenteng sibilyan at residente ng Barangay Guinhawa upang pigilan ang paglabas ng katotohanan sa kanilang krimen.
Mas masahol pa, para kumpletuhin ang kanilang palabas, muling nagpakana ng pekeng ‘rally’ ang 59th IBPA laban sa CPP-NPA-NDF sa Barangay Guinhawa nitong Pebrero 4. Tiyak na lalo lamang nasuklam sa kanila ang mamamayang muli na naman nilang tinakot at pinilit na humawak ng mga walang kakuwenta-kuwentang plakards at hinila para sa kanilang desperadong parada.
Hanggang sa kasalukuyan, nakalutang pa rin sa reyalidad ang pasistang AFP at ang amo nitong ilehitimong rehimeng US-Marcos II. Sa paulit-ulit na pagsasabing terorista ang NPA at ang mamamayang lumalaban, habang tuloy-tuloy na ibinabaon sa kahirapan at inhustisya ang bayan, lalo lamang tumitingkad sa mata ng masang anakpawis kung sino ang tunay na terorista–ang gubyernong manhid, inutil at malupit at ang naghaharing uri na patuloy na nagsasamantala at nang-aapi sa mahihirap.
Alam ng mamamayan ng Taysan at lalawigan ng Batangas na hindi NPA, kundi ang pasistang AFP ang tunay na naghahatid ng ligalig, karahasan at takot sa hanay ng mamamayan. Sa haba ng kasaysayan ng rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan, habambuhay nang nakatatak sa isip ng mamamayan ng Batangas kung paano’ng dahil sa NPA, nagkaroon ng sariling lupang mabubungkal ang libu-libong magsasaka, naipagtanggol at naipagtagumpay ang libu-libong tirahan at kabuhayan, nanyutralisa at napabait ang malulupit na panginoong maylupa, nabago ang partihan sa kopras at iba pang produkto na pinakikinabangan ng kasalukuyang henerasyon, nalipol ang mga sindikato sa nakawan ng hayop, nasugpo ang mga masasamang bisyo, napatino ang mga maton at masasamang elemento sa baryo at patuloy na yumayabong at natatamasa ng mamamayan ang mga tagumpay na luwal ng tuloy-tuloy na pagsusulong ng mga baseng masa ng rebolusyong agraryo at armadong pakikibaka. Hindi nakakapagtaka na mula sa mga tagumpay na ito rin nagmula ang ipinampaaral ng nagkakarami ding pamilyang magsasaka sa mga anak nilang nagpulis at nagsundalo, at maging ang mga lupang patuloy na binubungkal at tinatamasa maging ng mga lokal na CAFGU noon at sa kasalukuyan sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Sa bayan ng Taysan, iginuhit ng lakas at impluwensya ng rebolusyonaryong kilusan at nagkakaisang mamamayan ang pagwakas sa madilim na yugto ng dinastiyang nagpahirap sa mamamayan.
Ang mga tagumpay at pagkakaisa na nakamit at naipundar ng NPA at mamamayan ng Batangas sa buong proseso ng pakikibaka ang nais ngayong wasakin ng gubyernong US-Marcos II at ng pasistang AFP at 59th IBPA upang magawa nilang tuluyan nang ilako sa dayuhan ang likas-yaman at kalupaan ng ating bayan. Ito ang tunay na dahilan ng desperadong pagsusulong ng rehimeng US-Marcos II ng makadayuhang CHA-CHA o pagbabago ng konstitusyon. Sa Taysan, lingid sa kaalaman ng mas maraming mamamayan, nakaambang itayo ang isang mapanganib na malaking planta ng bakuna (GLOVAX Life Science Corporation) na pag-aari ng mga dayuhan sa Barangay Mahanadiong. Bagaman maaari itong magbigay ng pansamantalang trabaho sa mamamayan, kaakibat ng nasabing proyekto ang malaking panganib sa kalusugan at kalikasan na maaaring idulot ng kontaminasyon at basurang bio-kemikal na iluluwal ng nasabing planta. Bukod dito, marami pang mas malalaking proyekto ang nakaambang sumalanta sa buhay, karapatan at kabuhayan ng mamamayan sa lalawigan.
Makakaasa ang mamamayan ng Batangas na mananatiling nagpupunyagi at ubos-kayang lumalaban ang New People’s Army sa pagharap at pagbigo sa pasistang kaaway at naghaharing uri.
Nananawagan naman ang Eduardo Dagli Command-NPA Batangas sa lahat ng mamamayan na patuloy na manindigan, magkaisa at matapang na ipagtanggol ang inyong mga karapatan at biguin ang pasistang panunupil at panlilinlang ng berdugong 59th IBPA at buong institusyon ng AFP-PNP.
Nananawagan din ang NPA sa lahat ng mga opisyales ng lokal na pamahalaang bayan hanggang pamunuang barangay na gampanan nang wasto ang inyong mga tungkulin, manindigan para sa karapatan, kapakanan at kagalingan ng inyong mga kababayan. Huwag kayong magpagamit o bulag na magpahinungod sa paghaharing militar sa inyong mga barangay at bayang nasasakupan dahil lamang sa inyong takot o personal na pakinabang na natatamasa. Huwag ninyong panoorin lamang na dinadahas ng pasistang militar ang inyong mga mamamayan, at lalong huwag kayong maging instrumento ng pagmamanman, sapilitang pagpapasuko o pagpapahamak sa kanila.
Muling nagbibigay-babala ang NPA sa sinumang indibwal na mapapatunayang kasangkapan ng pasistang militar sa pagmamanman, sapilitang pagpapasuko o pagpapahamak sa mga inosenteng sibilyan, kasapian ng rebolusyonaryong organisasyong masa at maging sa yunit ng NPA. Laging nakahanda ang NPA anumang oras na igawad ang rebolusyonaryong hustisya sa sinumang magdudulot ng kapahakaman sa kanyang kapwa at magiging instrumento ng pasistang kaaway; kung paanong nakahanda ito anumang oras na bigwasan ang pasistang kasundaluhan na sa tuwina ay nanliligalig sa buhay at kapayapaan ng mamamayan sa lalawigan.
https://philippinerevolution.nu/statements/doble-karang-mukha-ng-berdugong-afp-at-59th-ibpa-kinasusuklaman-ng-mamamayan-ng-batangas/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.