Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
February 06, 2024
Determinado ang rebolusyonaryong kilusang Masbatenyo na panagutin at pagbayarin ng mahal ang militar sa kasuklam-suklam nilang pagpatay sa matandang mag-asawang sina Pedro Regala, 78 anyos, at Florencia Regala, 67 anyos sa Barangay Toboran, bayan ng Cawayan, Masbate kahapon, Pebrero 5, 2024.
Nagngangalit ang mamamayang Masbatenyo sa kasuklam-suklam na pagpatay kay Tatay Pedro at Nanay Florencia. Dinampot ang mahina at walang kalaban-labang mag-asawa sa kanilang tahanan, dinala sa liblib na bahagi ng sapa, walang-awang pinagbabaril, sinuotan ng ammo pouch at pinalabas na napatay sa engkwentro. Kahit mga midyang napilitang ilabas ang kasinungalingan ng militar ay nasusuklam sa pangyayari.
Ang pagparada sa kanila bilang mga terorista na napatay sa labanan ay insulto at paglapastangan sa dunong at lahing Masbatenyo.
Sangkot sa naturang pamamaslang ang mga elemento ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army at mga grupong paramilitar sa pamumuno ni Adriel Besana. Dapat ding mabatid ng publiko na isang ALSA MASA community ang Barangay Tuboran, at sa gayo’y pugad ng mga paramilitar.
Batay sa pag-amin ng ilang elemento ng militar na hindi hustong nabibiyayaan ng dambong mula sa droga at NTF-ELCAC, ilan sa mga pumatay ay lulong sa drogang sinuplay ng druglord at rantserong si Edwin Du.
Tiyak ding may pananagutan si Masbate Gov. Antonio T. Kho bilang lokal na utak ng kampanyang pagpatay sa mga magsasaka sa prubinsya.
Kinukundena rin ng mamamayang Masbatenyo si Marcos Jr. at Rodrigo Duterte bilang mga punong pasistang kriminal na humubog sa walang singhalimaw na terorismo ng Armed Forces of the Philippines. Ang banggaan ni Marcos Jr. at Duterte ay sa katunaya’y pagsasabwatan para panatilihin sa sukdulan ang pasistang paghahari. Sa Masbate, ang kanilang hidwaan ay nangangahulugan ng pinatinding kampanya ng makauring kahayupan laban sa masang magsasaka sa tabing ng kampanyang pagdurog sa NPA.
Sa ilalim ng kanilang paghahari, dinanas ng samabayanang Pilipino, laluna na ng mga Masbatenyo ang walang kapantay na pang-aapi at pagsasamantala sa ilalim ng umiiral na batas militar sa prubinsya. Sa kanilang rehime’y umaabot na sa 109 ang biktima ng pampulitikang pagpaslang. Liiban pa ito sa libu-libong biktima ng pwersahang pagpapasurender at iba pang abusong militar sa halos 80 porsyentong saklaw ng militarisasyon sa buong prubinsya.
Subalit nagkakamali si Marcos Jr. man o Duterte na madudurog nila ang pagkakaisa ng mamamayan at rebolusyonaryong armadong kilusan. Taliwas sa deklarasyon ng rehimeng US – Marcos Jr. na wala o mahina na ang NPA, lalo pa ngang lumalakas ang rebolusyonaryong kilusan dahil nagiging mas makatwiran para sa masa, laluna sa mga Masbatenyo, na magkaisa at lumaban upang kamtin ang hustisya at biguin ang paghahari ng rehimeng Marcos Jr. – Duterte.
Kaugnay nito, hindi dapat pumayag ang mga Masbatenyo na manahimik, magpadala sa takot, ibaon sa limot at mapagkaitan ng hustisya ang mga biktima ng terorismong militar sa prubinsya. Hindi sila dapat pumayag pang maging ang ating mga ama, ina, anak, kapatid at kaibigang pinakamamahal sa buhay ay ituring na mas masahol pa sa hayop. Kailangang itransporma ang ating pagluluksa sa makatarungang pakikibaka.
Matatagpuan ang tunay na katarungan sa landas ng digmang bayan. Digmang bayan ang tatapos at bibigo sa gerang mapanupil ng bulok na estado. Mangyayari lamang ito sa pagsuporta at pagkilos ng lahat ng inaapi at pinagsasamantalahan para sa makatarungang armadong pakikibaka.
Kailangang bumangon ng iba pang demokratikong sektor bilang katuwang sa paglalantad ng mga abuso at pagyurak sa karapatan. Kailangang palakasin ng mga magsasaka ang kanilang pagkakaisa sa pagbubuo ng kanilang mga rebolusyonaryong organisasyon. Kailangang manindigan ang mga kagawad ng midya para sa katotohanan at huwag maging kasangkapan sa pagpapakalat ng kasinungalingan.
Kasama ng mamamayang Masbatenyo ang Bagong Hukbong Bayan-Masbate sa laban para sa hustisya. Handa ang bawat mandirigma ng NPA – Masbate na harapin ang sakripisyo, kahirapan at ialay maging ang sariling buhay makamit lamang ang katarungan para sa mga biktima.
Bukas ang mga kanayunan ng Masbate sa mga kabataang nagnanais na sumampa sa Bagong Hukbong Bayan upang makasama sa laban para sa katarungan. Sama-sama tayong magrebolusyon. Para kina Tatay Pedro at Nanay Florencia. Para sa mga pinaslang at inabuso. Para sa ating mga anak, magiging anak at apo at mga susunod na henerasyon. ###
https://philippinerevolution.nu/statements/digmang-bayan-upang-kamtin-ang-hustisya-para-kina-lolo-pedro-at-lola-florencia-at-lahat-ng-biktima-ng-makauring-pang-aapi-ng-estado/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.