Arman Guerrero
Spokesperson
NDF-Rizal
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
February 09, 2024
Pulang pagpupugay at pagsaludo kay Kasamang Jose Maria Sison sa kanyang ika-85 na kaaraawan, siya ang Tagapangulong Tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas-MLM, ang ating dakilang lider, tanglaw at gabay sa Rebolusyong Pilipino.
Nanatiling buhay at nag-aalab ang rebolusyonaryong kapasyahan at optimiso ng mga manggagawa, magsasaka, maralita, kabataan, kababaihan, mga panggitnang pwersa at mga katutubo sa lalawigan ng Rizal at sa buong kapuluan. Taglay ang mataas na diwang isulong ang kilusang pagwawasto upang kamtin ang dramatikong pagsulong hanggang sa tagumpay.
Lalu lamang pinatunayan ang kawastuhan ng mga turo at aral ni Ka Joma na walang iba kundi ang pundamental na mga prinsipyo ng Marxismo-Leninismo-Maoismo na inilapat sa partikular na katangian at obhetibong kalagayan ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino. Sa paglubha ng pandaigidigang krisis ng monopolyo kapitalismo na nanunuot sa ating lipunan, lalung nagiging mapanibasib at marahas ang pagsasamantala ng mga naghaharing uri, lalung higit na napatutunayan ang kawastushan ng Demokratikong Rebousyong Bayan na may Sosyalitang Persperktiba bilang natatanging paraan sa pagwawakas ng pagsasamamantala sa pinakabatayang mga ugat nito na Imperyalismo, Pyudalismo at Burukrata Kapitalismo.
Ang buhay na iniaalay ni Ka Joma para sa rebolusyon at sambayanang Pilipino ay magsisilbing sulo ng pagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga komunista, rebolusyonaryo at mga aktibistang masa. Taliwas sa nais mangyari ng reaksyunaryong estado ng rehimeng US-Marcos II, AFP at NTF-ELCAC na sa pagkamatay ni Ka Joma noong Disyembre 16, 2022 ay magtatapos na rin ang armadong pakikibaka sa bansa na isinusulong ng CPP-NPA-NDF. Hindi na sila natututo sa kasaysayan, na anumang gawin nila at sukdulang umabot sa karahasan at pagpataw ng batas militar noon panahon ni Marcos Sr, hanggang’t hindi nasusolusyonan ang ugat ng kahirapan, kahit nagkakailan na ang kanilang pinapaslang at mga namamatay ay may uusbong at uusbong pa rin na mga bagong sibol na mga rebolusyonaryong magpapatuloy ng dakilang pamana ni Ka Joma at lahat ng mga dakilang martir na patuloy na nagdidilig ng matabang lupa para sa rebolusyon. Malalim na nakaugat sa masa ang Partido Komunista ng Pilipinas-MLM na itinatag nina Ka Joma, isang partidong matapat na naglilingkod sa masang inaaapi at matapat na nagpupuna sa kanyang mga kamalian at kahinaan, solido at nagkakaisa sa organisayon sa prinsipyo ng demokratikong sentralismo at siyentipikong nag-aaral ng obhetibong kalagayan batay sa materyalismong diyalektiko at istoriko upang wastong maipatupad ang kanyang pampulitikang tungkulin na ipagtagumpay ang Demokratikong Rebolusyong Bayan hanggang sa Sosyalismo.
Sa paggunita at pagdiriwang ng kaarawan ni Kasamang Joma, muli nating kilalanin ang kanyang dakilang ambag sa rebolusyong Pilipino at sa internasyunal na kilusang komunista. Ibayong magpalakas, magpatatag at magpalawak! Biguin ang maitim na balak ng rehimeng US-Marcos II na tapusin ang 55 taong magiting na pakikibaka ng mamamayang inaapi sa pamumuno ng PKP!
Mabuhay ang dakilang alaala at pamana ni Ka Jose Maria Sison!
Ipagtagumpay ang Kilusang Pagwawasto!
Palawakin, Konsolidahin at Palakasin ang CPP-NPA-NDFP!
https://philippinerevolution.nu/statements/pagpupugay-sa-ika-85-na-kaarawan-ni-ka-jose-maria-sison-dakilang-lider-at-tanglaw-ng-rebolusyong-pilipino/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.