Kabataang Makabayan-Metro Manila (Luzille Gypsy Zabala Brigade)
NDF-Metro Manila
National Democratic Front of the Philippines
February 08, 2024
Tinutulak ng Imperyalismong US, kasama ang mga kinatawan na papet sa pamahalaan na muling buhayin at isulong ang Charter Change. Magbibigay ito ng tulay sa mga dayuhang kapitalista na makapag may-ari at mangasiwa ng ating mga kagamitang pampubliko, ekonomya, at sa ating kultura at higit sa lahat ang term extension at political dynasty ng isa o iilang pamilya o pangkatin.
Panloloko ang paglalako ng pirma para sa “People’s Initative” pagbibigay ng isang-daang piso o mga ayuda kapalit ang lagda para sa petisyon upang amyendahan ang Saligang Batas. Malinaw na hindi ito ang esensya ng “People’s Initiative.” Sa kabilang banda rin, gamit ang telebisyon, mapapanood ang patalastas tungkol sa panlilinlang na uunlad ang ating bansa kung aalisin ang mga restriksyon sa mga dayuhang kapitalista na makapag may-ari ng kagamitang pampubliko, lupa, at iba pang bahagi sa ekonomya. Magiging tulay ito upang dambungin ang ating mga likas na yaman at murang lakas paggawa.
Papanatilihin din ng Charter Change ang kasalukuyang sistema ng edukasyon na nanatiling Kolonyal, Komersyalisado, at Represibo dahil ang mangangasiwa ng edukasyon ay ang mga dayuhang kapitalista. Lalo rin itong magtutulak sa mga kabataan na mangibang bansa upang tugunan ang mga pangangailangan. Mananatili sa mga kabataan ang kaisipang kolonyal at patuloy na tumangkilik sa mga produkto na gawa ng mga dayuhan—pagpatay sa diwang makabayan ng mga kabataan.
Pinapaboran ng Chacha ang mga dayuhang malalaking kapitalista at mga kasosyo nilang panginoong maylupa at malaking burgesya kumprador. Kumakatawan ito sa lalong pagpapahirap at pagpatay sa mamamayan. Minamadali ng rehimeng Marcos Jr at pinsan nitong si Martin Romualdez ang ChaCha upang bigyang daan ang sampung-taon na pananatili ng mga opisyal ng gobyerno sa poder. Pagpapanatili na maging atrasado at di industriyalisado ang ating bansa na paghahakutan lamang ng dambuhalang ganansya ng imperyalista.
Mula kay Ramos hanggang kay Marcos Jr walang ibang prayoridad ang lahat ng rehimen kundi baguhin ang Saligang Batas para sa interes ng kanilang imperyalistang amo at ang kanilang pansariling interes na tumagal at makapanatili sa kapangyarihan. Matagal nang hinahangad ng mga imperyalista at dayuhang kapitalista na lubusang buksan ang Pilipinas at bigyang-daan ang isandaang porsyentong dayuhang pagmamay-ari at kontrol sa lupa, walang pagpigil sa pagpasok ng dayuhang mamumuhunan, at pangangamkam ng likas na yaman.
Nagluluwal ng maraming kontradiksyon ang rehimeng Marcos Jr, nalilikha ang paborableng kondisyon upang sunggaban at buklurin ang malawak na hanay ng kabataan kasama ang ibang sektor ng ating lipunan para ipaglaban ang ating pambansa-demokratikong interes. Lalong nagiging desperado ang naghaharing-uring mag-apuhap ng mga paraan upang isalba ang sarili. Dapat patuloy na magkaisa ang lahat ng aping uri sa isang malawak na laban para sa kanyang laban sa kanyang ilehitimong rehimen.
Tutulan at labanan ang Charter Change na naglalayong patagalin ang kapangyarihan ng mga Marcos at ang pagbebenta ng ating likas na yaman sa mga dayuhang kapitalista. Pagnanakaw ng iilan sa pondo ng bayan. Pagpapabor sa mga kroni at kaibigan sa negosyo at mga sindikatong kriminal. Sobra-sobrang gastos sa kagamitang militar. Pagwawaldas ng pondo sa mga proyektong hindi papakinabangan.
Sa gitna ng lumalalang krisis, pumapatinding inter-imperyalistang digmaan sa anyo ng mas malawak na mga gerang proxy, banta sa ating demokratikong karapatan, panahon na upang buhayin ang diwa ng sigwa ng unang kwarto. Higit kailanman, ang pinakamahalagang tungkulin ng mga kabataan at estudyante sa harap ng nabubulok na ilehitimong rehimeng US-Marcos Jr ay ang pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka.
Panghawakan na walang ibang magpapahina sa rehimen kundi ang armadong pakikibaka. Palakasin ang armadong pakikibaka. Suportahan ang Bagong Hukbong Bayan sa pamamagitan ng pagpapasampa ng mga anak ng bayan. Itaas ang pampulitikang kamulatan ng mga kabataan at ibang sektor upang pamunuan ang kanilang hanay sa pagsusulong ng digmang bayan.
Kabataan, tanganan ang landas ng rebolusyonaryong pakikibaka!
Tumangan ng armas para ipaglaban ang pambansang kalayaan at demokrasya!
Sumapi sa Bagong Hukbo Bayan!
Sagot sa Kahirapan, Digmang Bayan!
https://philippinerevolution.nu/statements/kabataan-tutulan-ang-charter-change-digmang-bayan-para-sa-tunay-na-kalayaan-at-demokrasya/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.