Friday, August 18, 2023

CPP/NPA-Masbate: Pagbayarin ng mahal ang mga taksil sa masang Masbatenyo!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Aug 11, 2023): Pagbayarin ng mahal ang mga taksil sa masang Masbatenyo! (Make the traitors to the Masbatenyo masses pay dearly!)
 


Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

August 11, 2023

Sugatan sa pananambang ang barangay Kapitan ng Barangay Bonifacio, Uson na si Democ Movera at dalawa nitong kasamahang CAFGU noong Agosto 9, 2023. Sakay ang tatlo sa isang pick-up trak nang pasabugan ng isang tim ng mga pulang mandirigma ang kanilang sinasakyan. Sila Movera at kasamahan ay mga kasapi ng ALSA MASA o mga ahente ng militar

Nangyari ang aksyon ng BHB sa gitna ng tuluy-tuloy at magkakasabay na operasyong militar ng 2nd Infantry Battalion-Philippine Army at 96th Infantry Battalion-Philippine Army sa mga bayan ng Mobo at Uson. Daan-daang militar ang bara-barangay na sumasakyada sa nasabing mga bayan. Tinatakot at pinagbantaan ang mga residente. Noong Agosto 6, 2023 hinuli sa Sityo Catmon, boundery ng Barangay Bonifacio at Barangay Simawa, Uson ang mga magsasakang sina Nonoy Francisco, Bongbong Francisco, Ome Malaque at kinunan ng mga litrato. Kasabay nito, dinampot at binugbog din ng mga militar si Dante Dionan.

Malaki ang naging papel ni Movera sa nagpapatuloy na operasyong militar sa kanilang lugar. Sa halip na tulungan ang kanyang mga nasasakupan at ilantad ang ginawang malawakang operasyong militar ay lubusan itong nagpagamit sa kaaway laban sa rebolusyonaryong kilusan at masa. Tumutulong ito upang matuloy ang ekspansyon ng Filminera-Masbate Gold Project sa mga bulubuduking dumudugtong sa mga bayan ng Uson, Mobo at Milagros. Aktibo rin ang nasabing kapitan sa kampanyang pagpapasurender at pagsusuplong sa mga kakilala niyang kasapi ng mga samahan ng mga magsasaka sa kanilang lugar.

Tuluy-tuloy at malawakan ang operasyon militar sa ikalawa at ikatlong distrito ng prubinsya. Layunin nitong itaboy sa takot ang mga residente na patuloy na nagmamatigas na umalis sa mga lugar na ipapailalim sa ekspansyon ng dayuhang kumpanyang Filminera. Kinakasangkapan ng kumpanya ang militar at mga lokal na upisyal gamit ang panunuhol upang ihanda ang lugar sa pagpasok ng mga kagamitan nito sa pagmimina.

Marapat lang na magkaisa ang masang Masbatenyo laban sa terror ng AFP at sa ekspansyon ng Filminera na wawasak sa kabuhayan ng masang magsasaka. Wala nang panahon upang patuloy na matakot! Kailangang sama-samang kumilos ang masang Masbatenyo upang ipagtanggol at patuloy na pangalagaan ang kanilang kabuhayan at aria-arian. Hadlangan ang pagdambong ng Filminera sa likas na yaman at pagwasak sa kinabukasan ng susunod na henerasyon ng Masbate.

Nananawagan ang Jose Rapsing Command-NPA Masbate sa mamamayang Masbatenyo na patuloy at mahigpit na suportahan ang armadong pakikibaka upang makamit ang tunay na katarungan at hustisya! Palaging nakahanda ang kanilang pulang Hukbo upang pagbayarin ng mahal ang mga taksil sa masang Masbatenyo at mamamatay-taong militar.#

https://philippinerevolution.nu/statements/pagbayarin-ng-mahal-ang-mga-taksil-sa-masang-masbatenyo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.