Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
August 14, 2023
Mariing kinukundena ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate ang nagpapatuloy na malawakang militarisasyon sa mga bayan ng Mobo at Uson. Kahindik-hindik na terorismo at abusong militar ang ipinararanas sa mga komunidad sa naturang mga lugar upang takutin ang mamamayan at supilin ang kanilang pagtutol sa nagbabadyang ekspansyon ng mapaminsalang operasyong mina na Masbate Gold Project ng kumpanyang Filminera.
Mula Agosto 5, humigit-kumulang 400 ng pinagsamang tropa ng 96th IBPA at 2nd IBPA ang sumalakay sa malaking bahagi ng naturang mga bayan para sindakin sa takot ang mga mamamayan ng naturang lugar.
Dinakip ang mga magsasakang sina Nonoy Francisco, Bongbong Francisco at Ome Malaque sa may paanan ng Mt. Bagulayag hangganan ng Barangay Bonifacio at Simawa. Dinampot din at binugbog si Dante Dionan noong Agosto 6 sa parehong lugar habang iligal na hinalughog ang bahay at ninakawan ng cellphone si Letot Francisco sa Sityo Malapinggan, Barangay Sawmill. Kinabukasan, walang habas na pinagbabaril ang isang sibilyan sa Sityo Irong-irong sa hangganan ng Barangay Mabuhay, Sawmill at Baang.
Bago nito, naglunsad ang militar ng serye ng pagpatay, kabilang ang bigong pagpaslang sa punong baryo ng Barangay Barag na si Rodolfo Ygot at pagpatay sa magsasakang si Randy Mahinay sa Barangay San Carlos, Milagros noong Hulyo. Kapwa tinututulan ng naturang mga indibidwal ang ekspansyon ng Filminera.
Naiulat din ang planong pagtayuan ng mga kampo militar ang mga barangay ng San Jose, Sawmill at Baang. Lahat ito ay nakapalibot sa mga lugar na sasaklawin ng pagpapalawak ng Filminera.
Lalong inilalantad ng malawakang militarisasyon sa mga bayan ng Mobo at Uson ang reputasyon ng Armed Forces of the Philippines bilang mga bayarang armadong pwersa ng naghaharing uri.
Hindi dapat maghari ang takot sa mamamayang Masbatenyo. Hindi sila dapat pumayag na makalbo ang pinakamamahal na Mt. Irong-irong, Bagulayag at Uwac na kritikal upang mapreserba ang kalikasan sa Masbate. Tuluyang pagkawala ng kabuhayan at lupa, pagkapinsala ng kalikasan at pagkatangay ng buhay at kinabukasan ang kanilang sasapitin kung hindi kikilos.
Nananawagan ang Jose Rapsing Command – BHB Masbate sa mga mamamayan ng prubinsya na makibaka upang tutulan ang pagpapalawak ng Filminera-Masbate Gold Project at kaakibat nitong terorismong militar sa mga komunidad ng magsasaka at mangingisda.
Hinihikayat din ang mga upisyal ng barangay na manindigan para sa interes ng kanilang mga komunidad na nasasakupan. Bagamat sila ang pinakabulnerableng target ng atakeng militar sa hanay ng mga sibilyang upisyal, kritikal ang kanilang paggigiit ng sibilyang otoridad upang impluwensyahan ang pagkilos ng kani-kanilang pinagsisilbihang komunidad.
Bagamat instrumento lamang ng lokal na naghaharing-uri ang paparating na halalang pambarangay ngayong Oktubre 2023 para ikonsolida ang kanilang kapangyarihan, tiyak na susukatin ang mga kandidato sa kanilang sinseridad na maglingkod sa matapang nilang pagpanig sa mamamayan.
Kailangang lumaban. Hindi solusyon ang pagkakawatak-watak. Kasama ng mamamayang Masbatenyo ang kanilang Hukbo sa ilalim ng Jose Rapsing Command-BHB Masbate upang panagutin ang kumpanyang Filminera at mga burukratang kakuntsaba nito sa kriminal na pagdambong sa yamang likas at pangwawasak. Sa suporta ng mamamayan, patuloy na maglulunsad ang BHB-Masbate ng mga taktikal na opensiba upang pagbayarin nang mahal ang AFP-PNP-CAFGU sa kanilang inutang na dugo sa mga Masbatenyo.
https://philippinerevolution.nu/statements/hindi-dapat-magpatinag-sa-takot-ang-mga-masbatenyo-sa-atakeng-militar-na-hatid-ng-filminera-at-ng-afp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.