Posted to the Kalinaw News Facebook Page (Jul 25, 2023): Former rebels have completed studies under ALS
For the former NPA, now a soldier Pvt Rodel Kayo, “Soldiers pushed me to study. Now I am an ALS completer. ”Read: https://shorturl.at/qxBO3
CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela- “Pinangakuan ako ng mga NPA na makakapagtapos ako ng pag-aaral pero umabot ako ng 11 taon sa kilusan hindi ako nakahawak ng papel at lapis. Samantalang ang mga sundalo, wala namang pinangako pero tinulak ako para mag-aral at ngayon isa na akong ALS completer!”
Ito ang naging pagbabahagi ni Pvt Rodel Kayo sa panayam ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division matapos niyang matagumpay na nalagpasan ang Junior High School sa ilalim ng Alternative Learning System o ALS.
Ayon kay Kayo, Grade 5 lamang ang kanyang natapos dahil pinilit na siyang isinama ng mga miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo na umanib sa kanilang kilusan kapalit umano ng pagpapaaral sa kanya. “Hindi ko natapos noon ang pag-aaral ko kahit elementarya dahil pinilit na akong isinama ng mga NPA kapalit ng pagpapaaral nila sa akin. Pero hindi naman nangyari. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa 5ID kasi sila ang nagbigay ng inspirasyon sa akin para muling mag-aral.”
Habang financial assistance naman ang ipinangako ng mga progresibong grupo kay Rudy Andreo Aparil dahilan kung bakit siya sumali at nahinto sa kanyang pag-aaral. “Nagpunta ako ng Manila para mag-aral at mag trabaho. 2nd year high school nang makilala ko ang grupong Kabataan Partylist, Anakbayan, at League of Filipino Students. Inanyayahan nila akong sumali sa kanila dahil mabibigyan daw ako ng financial assistance. Sa hirap ng buhay namin noon, pumayag ako. Pero pinahawak na nila ako ng armas at ilang bundok na rin ang naakyat ko, wala namang naibigay sa akin na financial assistance.”
“Hindi ako nagsisisi na nagbalik-loob ako sa pamahalaan. Napakswerte ko dahil hindi lamang ako bukas-palad na tinanggap ng mga kasundaluhan, sila rin ang nagsabi sa akin na tapusin ko ang pag-aaral ko kaya nakapagtapos ako ng junior high school. Para sa ating mga sundalo ang pagtatapos ko!” saad pa ni Rudy na kung saan kanya ring ibinahagi na ipagpapatuloy niya ang pag-aaral ng K+12 hanggang siya ay makapagtapos ng kolehiyo.
Samantala, bukod kina Rodel at Rudy, mayroon pang 15 former rebels ang nakatapagtapos ng kanilang pag-aaral sa ilalim ng ALS na kung saan pito ang nakapagtapos ng junior high school habang anim naman ang nakapagtapos ng elementarya.
Ipagpapatuloy naman nila ang kanilang pag-aaral sa tulong pa rin ng kasundaluhan ng 5ID at ng Kagawaran ng Edukasyon.
https://www.facebook.com/5idstartroopers/posts/pfbid0JBJAAw6nKKLnHK9uT36J5beEo7JqdwcwPFEDY48XRXtBWUdXnQ3C5Br2GzvfMvEsl
https://www.facebook.com/kalinawnews/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.