Monday, April 24, 2023

CPP/NPA-Palawan: Pulang saludo kina Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon, mga dakilang lider ng bagong pambansa-demokratikong rebolusyon sa Pilipinas!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Apr 23, 2023): Pulang saludo kina Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon, mga dakilang lider ng bagong pambansa-demokratikong rebolusyon sa Pilipinas! (Red salute to Benito Tiamzon and Wilma Austria-Tiamzon, great leaders of the new national-democratic revolution in the Philippines!)
 


Andrei Bon Guerrero
Spokesperson
NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command)
New People's Army

April 23, 2023

Sa okasyon ng Linggo ng Pambansang Pag-alaala sa mga Martir ng Rebolusyong Pilipino, iginagawad ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan, kasama ang buong rebolusyonaryong kilusan sa Palawan, ang pinakamataas na parangal, pagsaludo at pagpupugay kina Kasamang Benito “Ka Laan” Tiamzon at Wilma “Ka Bagong-Tao” Austria-Tiamzon, mga dakila at kapita-pitagang lider ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas at bagong pambansa-demokratikong rebolusyon sa Pilipinas. Karumal-dumal silang pinaslang, kasama ang walo pang rebolusyonaryo, ng pasistang rehimen noong Agosto 21, 2022. Sa pagkitil sa kanilang buhay, inihatid lamang ng mga berdugo ang buhay nina Ka Laan at Ka Bagong-Tao sa imortalidad.

Kasabay ng pagdadalamhati at pagluluksa, nagngingitngit sa galit at poot ang buong rebolusyonaryong kilusan sa Palawan hanggang buong bansa sa mga kapural at pasistang pumaslang sa kanila. Matapos madakip habang sakay ng dalawang van patungong Catbalogan, tinortyur sila, pinatay, isinakay sa bangka at pinasabog ito sa gitna ng dagat sa pagitan ng bayan ng Catbalogan at Tarangnan, Samar. Hindi nasapatan ang mga berdugo sa paglabag sa karapatan ng mga kasama at paghabi ng engrandeng drama ng habulan at labanan na pinalabas nila, ngising-aso pa nilang pinagmamayabang ang tropeyo ng pagpaslang sa mga lider ng rebolusyon.

Hinahatulang maysala ng buong rebolusyonaryong kilusan ang mga pangunahing responsable sa brutal na krimeng ito na sina Ferdinand Marcos Jr, commander-in-chief ng AFP, Lt. Gen. Bartolome Bacarro, noo’y chief of staff ng AFP, Gen. Edgardo de Leon, noo’y pinuno ng JTF-Storm at ng 8th Infantry Division, at Brig. Gen. Marceliano Teofilo, pinuno ng Intelligence Service ng AFP. Tuwirang sangkot din ang mga pwersa ng US military sa pamamagitan ng Joint Special Operations Task Force Trident, isang yunit na tuwirang hawak, sinasanay at inaarmasan ng US. Isasakdal sa hukumang bayan, sisingilin at pagbabayarin nang mahal ang mga nabanggit na salarin sa brutalidad na ito.

Nahihibang ang mga naghaharing-uri sa pag-aakalang ang pagkamartir nina Ka Laan at Ka Bagong-Tao, pinuno ng Komite Sentral ng Partido, ang magwawakas sa rebolusyonaryong kilusan sa buong bansa. Mangmang ang mga kriminal na ito sa katotohanang sa mahaba at mabungang pamumuno at serbisyo nila sa tanglaw ng aral ni Ka Joma, nakagawa na sila ng malalaking tagumpay sa humigit-kumulang tatlong dekada ng pamumuno sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan at pagkakamit ng pambansa-demokratikong adhikain ng sambayanang Pilipino.

Nakapagpaunlad na sila ng libu-libong mga kadre at kasapi ng CPP, Pulang kumander at mandirigma ng NPA at mga rebolusyonaryong masang aktibista mula pa sa panahon ng pagpupundar ng rebolusyon sa Eastern Visayas, Central Luzon at iba pang mga rehiyon na pinamunuan nila. Nakapagtayo na sila ng maraming sangay ng Partido at namumunong organo, mga yunit at mga komand ng hukbong bayan, iba’t ibang rebolusyonaryong organisasyong masa, mga alyansa sa ilalim ng NDFP at mga organo ng Pulang kapangyarihang pampulitika sa kanayunan. Gumampan din sila ng susing papel sa pagsusulong ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto (IDKP) na nagligtas sa Partido mula sa bingit ng pagkalusaw at muling dinala ang rebolusyong Pilipino sa landas ng pagsulong.

Sa pagtangan sa namumunong pusisyon sa Komite Sentral ng CPP, mabisang idinirehe nila ang digmang bayan na umani ng maraming mga tagumpay. Ang mga dokumento ng Komite Sentral at ng Komiteng Tagpagpaganap na pinangunahan nilang isulat ay ibayong nagpayaman sa mga teorya ng pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan sa Pilipinas at lalong nagpalawig at nagpalalim sa konsepto ng matagalang digmang bayan at pakikidigmang gerilya sa Pilipinas. Nag-ukol sila ng panahon para pahigpitin ang gagap ng mga kadre ng Partido sa lahatang-panig na pagsulong ng digmang bayan at ng krusyal na halaga ng pagkokombina ng tatlong sangkap nito–ang armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo at pagtatatag ng baseng masa. Sa mahabang panahon nilang pagiging haligi ng Partido at NPA, naitanim na nina Ka Laan at Ka Bagong-Tao sa malawak na gubat ng rebolusyon ang libu-libong mga punong pinalulusog ng mga iniwanan nilang aral at pamana.

Sa darating na ginintuang anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines, ilulunsad ng BVC-NPA Palawan ang 21-gun salute bilang pag-alaala at pagsaludo kina Ka Laan at Ka Bagong-Tao. Gayunman, hindi sapat ang araw na ito upang alalahanin ang kanilang buhay bilang mga dakilang martir ng rebolusyon at tunay na bayani ng sambayanang Pilipino. Hindi sapat ang mga pahinang ito upang bigyang-halaga ang kanilang mga ambag. Hindi matutumbasan ang walang pag-iimbot na pag-aalay ng kanilang buhay,

https://philippinerevolution.nu/statements/pulang-saludo-kina-benito-tiamzon-at-wilma-austria-tiamzon-mga-dakilang-lider-ng-bagong-pambansa-demokratikong-rebolusyon-sa-pilipinas/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.