From Kalinaw News (Feb 27, 2023): Mga Ibinaong Anti-Personnel Mines at Sari-Saring mga bala ng CTG, Nakuha sa Albay (Planted Anti-Personnel Mines and Various CTG Ammunition, Captured in Albay)
Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur – Ilang mga anti-personnel mine, sari-saring mga bala at electrical wires ang narekober ng 49th Infantry Battalion sa Barangay San Antonio, Oas, Albay nitong nakaraang araw ng Sabado, Pebrero 25.
Napag-alaman na nasa gitna ng pagpapatrol ang tropa ng 49IB nang kanilang madaanan ang isang lugar sa nasabing barangay kung saan nakuha ang walong anti-personnel mines, 1,747 piraso ng mga bala at 180 metro ng electrical wires.
Ang nasabing mga maka-teroristang kagamitan ay pinaniniwalaang ibinaon ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na nakasagupa ng kanilang tropa noong Pebrero 15 sa Barangay Ramay ng nasabing bayan kung saan nasawi ang batang opisyal na si 2Lt. Nico Malcampo at pagkasugat ng apat na iba pa.
Ang paggamit, pag-iimbak at produksyon ng anti-personnel mines ay isang “war crime” at ipinagbabawal sa Mine Ban Treaty at Geneva Convention ng 1949.
Kaugnay nito, pinatitiyak ni Major General Adonis Bajao, Commander ng 9th Infantry (Spear) Division at Joint Task Force Bicolandia (JTFB) ang seguridad sa lugar dahil din sa posible pang mga pinagtataguan ng mga maka-teroristang kagamitan ng CTG at upang maprotektahan din ang mga residente laban sa presensya ng nasabing teroristang grupo.
“Tila po hindi isinasaalang-alang ng Communist Terrorist Group ang peligrong dulot nito sa komunidad. Ang mga nadiskobre po ng mga sundalo na mga pampasabog at mga bala ay napaka-delikado lalo na sa mga inosente nating kababayan. Hindi po basta-basta ang mga kagamitang ito lalo na’t ang mga bomba ay maaring sumabog kahit ano mang oras at magdulot ng matinding pinsala sa buhay ng mga inosente nating kababayan”, ani MGen. Bajao.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]
https://www.kalinawnews.com/mga-ibinaong-anti-personnel-mines-at-sari-saring-mga-bala-ng-ctg-nakuha-sa-albay/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.