Monday, February 27, 2023

Kalinaw News: Peace Rally, isinagawa ng ibaat-ibaang sektoral na organisasyong bilang pagdiriwant sa Ika-37th Anibersaryo ng People Power

From Kalinaw News (Feb 27, 2023): Peace Rally, isinagawa ng ibaat-ibaang sektoral na organisasyong bilang pagdiriwant sa Ika-37th Anibersaryo ng People Power (Peace Rally, conducted by various sectoral organizations in commemoration of the 37th Anniversary of People Power)



Pinangunahan ni PMAJ Ronald M. Balud ang kasalukuyang Hepe ng Baggao Police Station sa pakikipagtulungan mula sa Cagayan Police Provincial Office sa pangunguna ni PLTCOL Ramil N. Alipio, Rey Addatu ang Asst Regional Director for Operation ng NICA Region 2, Charlie Coy 77th IB sa pangunguna ni CAPT Nonette B. Banggad, at 1st PMFC Edwin Pataguan o mas kilala bilang Ka-Bagwis ang Presidente ng Sambayanan Association maging ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo gayundin ang ibat-ibang sektoral na organisasyon ang isang peace rally bilang pagdiriwang sa ika-37th na anibersaryo ng People Power.

Dinaluhan naman nina Mayor Leonardo C. Pattung gayundin ang mga Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowel B. Gazmen bilang suporta sa adhikain ng grupo na wakasan ang terorismo sa bayan.Tinatayang nasa dalawang daan (200) o mahigit pa na dating rebelde, mga miyembro ng KKDAT mula sa ibat-ibang munisipalidad at ibat- ibang miyembro ng sektoral na organisasyon ang nakiisa sa isinagawang programa na ginanap sa Pamilihang Bayan ng Baggao sa Barangay San Jose, nitong Pebrero 25, 2023.Layunin ng grupo ang kapayapaan at pagkakaisa mula sa ibat-ibang sector kasabay nang pagkondena sa komunistang Teroristang Grupo. Anila, ang komunistang grupo ay isang malaking balakid sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa.Bitbit ang mga placard at tarpaulin, tinuligsa nila ang mga aktibidad ng terorista, gayundin ang patuloy na pagrecruit ng CPP, NPA, NDF sa mga menor de edad at katutubo.Sinunog din nila ang mga watawat ng CPP-NPA-NDF bilang simbolo ng kanilang patuloy na protesta at pagtanggi sa “ideolohiyang komunista”. Kasabay nito ang pagsindi ng mga kandila at nag-alay ng mataimtim na panalangin.Sa pangwakas na bahagi ng aktibidad ay nanumpa at pumirma din ng isang kasulatan ang mga representante ng ibat-ibang sector at mga ahensya ng pamahalaan ng buong pusong tutulong at makibahagi sa proyekto ng pamahalaan para sa kapayapaan.







[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/peace-rally-isinagawa-ng-ibat-ibang-sektoral-na-organisasyon-bilang-pagdiriwang-sa-ika-37th-anibersaryo-ng-people-power/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.