Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
January 18, 2023
Isang miyembro ng CAFGU ang nasawi habang dalawa ang sugatan, isang CAFGU at isang army Corporal, sa inilunsad na ambus ng mga pulang hukbo laban sa labingdalawang sundalo ng 22nd IBPA nitong Enero 15, alas-8 ng gabi sa Brgy. Calmayon, Juban, Sorsogon. Nakilalang nasawi si Dante Gojo alyas Bing at sugatan naman si Lorenzo Gupit Jr alyas Rex, parehong miyembro ng CAFGU.
Simula taong 2020 ay di na nilubayan ng 22nd IBPA ang mga magkakatabing barangay ng Calmayon, Maalo, Calateo sa bayan ng Juban at Barangay Calpi at Dolos sa bayan ng Bulan. Mistulang nakakampo sa mga naturang barangay sa ngalan ng Retooled Community Support Program na sa madaling salita lamang ay pagpapanggap na sila ay naghahatid “serbisyo”. Ngunit pawang sapilitang pagpapasurender ng mga sibilyan, pananakot, panghaharas, pagnanakaw at pagmasaker ang naranasan ng mga residente sa naturang mga barangay.
Ang taktikal na opensibang ito ay bahagi ng pagsisikap ng rebolusyonaryong kilusan na bigyang hustisya ang mga biktima at maparusahan ang mga pasistang elemento ng AFP.
Pinatatampok nito ang hinaing ng mamamayan laban sa presensya ng mga armadong tropa na nagkakampo malapit sa mga bahayan na taliwas sa internasyunal na makataong batas dahil isinasapeligro nito ang kaligtasan ng mga sibilyan.
Hinahamon namin ang AFP at PNP na lubayan ang mga walang kalaban laban at mga pulang hukbo ang kanilang harapin.
https://philippinerevolution.nu/statements/ambus-laban-sa-22nd-ib-matagumpay/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.