Friday, March 4, 2022

Kalinaw News: “Mataas na Kalibre ng Armas at mga Iligal na Pampasabog, Isinuko sa mga Kasundaluhan sa SurNor”

Posted to Kalinaw News (Mar 3, 2022): “Mataas na Kalibre ng Armas at mga Iligal na Pampasabog, Isinuko sa mga Kasundaluhan sa SurNor” (“High Caliber Weapons and Illegal Explosives, Surrendered to SurNor Armed Forces”)



Gigaquit, Surigao del Norte – Dalawang Matataas na kalibre ng armas at mga pampasabog ang isinuko pagkatapos na maikipagtulungan ang dating miyembro ng Milisyang Bayan sa mga kasundaluhan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army nitong ika-1 ng Marso 2022.

Nangyari ang nasabing pagsuko ng mga armas habang nagsasagawa ng Community Support Program (CSP) ang mga tropa ng 30IB sa komunidad ng Brgy Magtangale, San Francisco, Surigao del Norte. Sa patuloy na pagsasagawa ng mga aktibidades ng CSP ay matagumpay na nahikayat ang buong komunidad na makipagtulungan sa gobyerno at isuko ang pagsuporta nila sa teroristang grupo ng New People’s Army o NPA.

Kung kaya, isang aktibong miyembro ng Milisyang Bayan ang nagsiwalat ng impormasyon ukol sa pinagtataguan ng mga armas at pampasabog ng mga NPA. Upang kumpirmahin ang nasabing impormasyon ay agad na nagsagawa ng Retrieval Operation ang 30IB upang mabawi ang matataas na armas at mga pampasabog na ginagamit ng mga NPA para sa kanilang pananakot at pakikipagdigmaan. At dito na nakumpirma at nakuha iligal na pampasabog o Improvise Explosive Device (IED), isang (1) 5.56 M16 rifle at isang (1) M79 grenade launcher sa bulubundukin bahagi ng nasabing barangay.

Sa pahayag ni Lt Col Ryan Charles G Callanta, Pinuno ng 30IB, kanyang sinabi ang kanyang pasasalamat sa patuloy na pakikiisa ng ating mga mamamayan sa pamahalaan upang makamit natin ang minimithi nating kapayapaan. “Una sa lahat nagpapasalamat ako sa patuloy na makikipagtulungan ng mamamayan sa ating kasundaluhan. Nagpapatunay ito na lahat tayo ay nagnanais ng isang masagana at mapayapang pamumuhay. Ang inyong kasundaluhan sa 30IB ay patuloy kayong poprotektahan sa abot ng aming makakaya. Patuloy tayong magkaisa para sa kapayapaan at kasaganaan sa Surigao del Norte.

Sa ngayon, ang mga kasundaluhan ay patuloy na nagsasagawa ng CSP sa mga barangay sa Surigao del Norte. Ang layunin nito ay para alamin ang mga pangangailanagan ng mga mamamayan at upang ito ay matugunan ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mataas-na-kalibre-ng-armas-at-mga-iligal-na-pampasabog-isinuko-sa-mga-kasundaluhan-sa-surnor/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.