Monday, February 14, 2022

Kalinaw News: Namatay na NPA sa bakbakan, binigyan ng maayos na libing

Posted to Kalinaw News (Feb 14, 2022): Namatay na NPA sa bakbakan, binigyan ng maayos na libing (NPA who died in the fighting, given a proper burial)



Gigaquit,Surigao del Norte- Ilang araw pagkatapos ng sagupaan ng kasundaluhan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion at mga armadong grupo ng New People’s Army o mga NPA nitong ika-10 ng Pebrero 2022 ay inihimlay na sa libingan ng Brgy Pungtod, Alegria, Surigao del Norte ang namatay na miyembro ng NPA nitong tanghali ng ika-13 ng Pebrero 2022.

Pagkatapos ng sagupaan, iniwan ng mga dati niyang kasamahan si Alyas Kenzo sa pinangyarihan ng bakbakan at kung saan siya natagpuan ng mga tropa ng 30IB. Kung kaya agad din itong kinuha at dinala sa may pinakamalapit na punerarya sa Alegria upang mabigyan ng maayos na burol habang hinihintay ang pamilya o kakilala nito na siya ay maiuwi.

Si Alyas Kenzo ay dating miyembro ng Platoon 16C1 ng Guerilla Front 16, North Eastern Mindanao Regional Committee na pinamumunuan ni Roel Neniel o mas kilala bilang Alyas Jacob. Napag alaman din na tubong San Miguel, Surigao del Sur si Alyas Kenzo. Ngunit ilang araw na ang nakalipas mula noong dinala ng 30IB ang kanyang bangkay sa Gades Funeral Home Service sa Brgy Pungtod, Alegria pero wala pang kumuha kaya napagdesisyunan na ihimlay na sa libingan ng nasabing barangay si Alyas Kenzo sa tulong na din ng Lokal na Pamahalaan ng Alegria at kapulisan sa Alegria.

Sa pahayag ni Lt Col Ryan Charles G. Callanta, pinuno ng 30IB, inihayag niya ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng nasawing NPA. “Nakakalungkot man isipin na may isang buhay muli ang nasayang dahil sa maling paniniwala ay patuloy pa rin natin gagampanan ang sinumpaang tungkulin na pangalagaan at protektahan ang ating bayan. Kung kaya patuloy nating hinihikayat ang mga natitira pang miyembro ng teroristang grupo na bumalik at sumuko na bago pa mahuli ang lahat.”



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/namatay-na-npa-sa-bakbakan-binigyan-ng-maayos-na-libing/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.