From Palawan News (Feb 14, 2022): Brgy. Tinitian, Roxas, nagsagawa ng protesta vs NPA (Brgy. Tinitian, Roxas, staged a protest vs NPA) (By Alex Baaco)
Photo courtesy of MBLT-3
Nagsagawa ng protesta laban sa rebeldeng grupo na New People’s Army (NPA) ang nasa may 100 na residente ng Barangay Tinitian sa munisipyo ng Roxas upang ipakita na hindi sila sumasang ayon sa mga ideolohiya nito at hindi sila pumapayag na gawing kuta ng mga miyembro nito ang kanilang lugar.
Isinagawa ang “indignation rally” noong Pebrero 12 at pinanunganahan ng Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3) katuwang ang lokal na pamahalaan ng Roxas, Roxas Municipal Police Station (MPS), 2nd Palawan Police Mobile Force Company (2nd PPMFC), Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng Tinitian, at Kapatiran ng mga Dating Rebelde (KADRE) sa natura rin na barangay. Ang MBLT-3 ay pinamumunuan ni Maj. Ryan F. Lacuesta
“Hindi kasi maitatanggi na ang Barangay Tinitian sa bayan ng Roxas ay isa sa mga naging kuta ng mga komunistang teroristang grupo. Nakapag-recruit at nakapag-organisa dito ang nasabing grupo, ngunit hindi sila nagtagumpay dahil nabuwag natin ito,” pahayag ni Cpt. Dennis Sadlay, ang civil military officer ng MBLT-3.

“Ang mga dating nalinlang, naugnayan at naorganisa ng maling ideolohiya o maling turo ng komunistang teroristang grupo dito mismo sa barangay na ito ay kusang nagbalik-loob na sa pamahalaan,” dagdag pahayag niya.
Ang rally ay nagtapos sa pamamagitan ng pagsunog sa watawat ng NPA na pinangunahan ng sumuko nilang miyembro na si Ka Billy at iba pa.
Kinausap din ng mga dating miyembro ang mga residente, lalo na ang mga kabataan hinggil sa diumano ay mga “senseless ideology” ng NPA.
“Handa ba kayong labanan ang gobyerno para sa mga panlilinlang ng CPP-NPA-NDF? Handa ba kayo[ng] mamatay para sa maling idolohiya?” tanong niKa Billy sa mga ito.

Ang Brgy. Tinitian ay naging laman ng mga balita noong mga huling buwan ng taong 2021 matapos magkaroon ng encounter ang mga Marines at ang mga nalalabing bilang ng rebelde ng BVC. Noong Disyembre 10, 2021, isang rebelde ang nasawi dahil sa focused military operation,
Matapos ang kaganapan na ito, nagsunod-sunod na ang pagrekober sa mga arms cache ng mga rebelde sa nasabing barangay, ayon naman sa hiwalay na pahayag ng 3rd Marine Brigade (3MBde).
Ayon sa pahayag ni Brig. Gen. Jimmy Larida, pagod na ang mga residente ng Tinitian na danasin ang mga pahirap mula sa rebeldeng grupo.
“I noticed a large number of youths [who] participated in the rally holding banners and burning the CTG flag together with the former rebels. Just a year ago, this young former CNT political officer was recruiting the youths in this barangay; but now leading them in the condemnation rally against the CTG,” pahayag ni Larida.

https://palawan-news.com/brgy-minara-roxas-nagsagawa-ng-protesta-vs-npa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.