Posted to Kalinaw News (Feb 11, 2022): Isa pang sagupaan sa pagitan ng ARMY at NPA, sumiklab sa Surigao del Norte, isang NPA patay (Another clash between ARMY and NPA erupts in Surigao del Norte, one NPA dead)
Gigaquit,Surigao del Norte- Nagkaroon muli ng sagupaan sa pagitan ng kasundalohan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army at mga miyembro ng teroristang grupo ng New People’s Army o NPA dakong Alas-Onse ng tanghali (11:00 AM), ika-10 ng Pebrero 2022 sa bulubunduking bahagi naman ng Brgy.Budlingin , Alegria, Surigao del Norte.
Pagkatapos ng bakbakan nitong nakaraang ika-8 ng Pebrero kung saan nasawi ang isang miyembro ng NPA na kinilala bilang si Narciso Suazo alyas Wolf, nawalan ulit sila isa pang miyembro matapos muling sumiklab ang labanan sa pagitan ng kasundalohan at ng pinagsamang puwersa ng Guerilla Front (GF) 16C1 na pinamumunuan ni Roel Neniel o mas kilala bilang si Alyas Jacob at GF 16C2 na pinamumunuan ni Alberto Castañeda na mas kilala bilang si Alyas J.D.
Nangyari ang engkwentro matapos ipinagpatuloy ng kasundalohan ng 30IB ang paghahabol sa kanilang mga nakasagupa nitong nakaraang araw upang protektahan ang mga komunidad mula sa pang-aabuso ng armadong grupo. At kanilang natunton ang tumatakas ng mga rebelde at muling nagkaputukan na nagresulta din sa pagkasamsam ng iba’t-ibang kagamitang pandigma tulad ng isang IED na may kasamang Detonating device, Blasting Cap, magazines para sa M16 rifle, bandolier, bala ng M16 at AK47, medisina, subersibong dokumento, pagkain at iba pang personal na gamit.
Sa ngayon, ang nasawing NPA ay nakilalang si Ricky Vocales Rosaldo alyas Kenz, miyembro ng Platoon 16C1, GFC16, NEMRC ay pansamantalang nakahimlay sa Gades Funeral Homes sa Brgy Pongtud, Alegria, SDN.
Muli din nagpahayag ng pasasalamat si LTC RYAN CHARLES G CALLANTA, ang pinuno ng 30IB sa mga magigiting na kasundalohan na patuloy na pagganap ng kanilang sinumpaang tungkulin, “Nagpapasalamat ako sa ating mga kasundalohan sa 30IB sa kanilang kagitingan at katapatan. Asahan niyo po na mas lalo pa namin gagampanan ang aming tungkulin sa abot ng aming makakaya upang panatilihin ang kapayapaan at bigyan ng seguridad ang mamamayan sa buong probinsya ng Surigao del Norte”.
Patuloy din nananawagan si LTC Callanta sa mga natitirang aktibong miyembro ng NPA na bumalik na sa kanilang mga pamilya at magbagong buhay bago pa mahuli ang lahat.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/isa-pang-sagupaan-sa-pagitan-ng-army-at-npa-sumiklab-sa-surigao-del-norte-isang-npa-patay/
https://www.kalinawnews.com/isa-pang-sagupaan-sa-pagitan-ng-army-at-npa-sumiklab-sa-surigao-del-norte-isang-npa-patay/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.