Monday, October 18, 2021

CPP/NDF-KM: Hinggil sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa Kanayunan

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 18, 2021): Hinggil sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa Kanayunan

Maria Laya Guerrero
Spokesperson
Kabataang Makabayan (KM)
National Democratic Front of the Philippines

October 18, 2021



Sa gitna ng lumulubhang pampulitika at pang-ekonomyang krisis sa bansa, isang katotohanan ang nananatiling malinaw: ang kagalingan, karapatan, at kinabukasan ng batayang masa ay patuloy na magiging madilim at walang kasiguraduhan hangga’t namamayagpag ang sistemang pumapabor sa naghaharing iilan!

Ngayong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa Kanayunan, mapulang pagbati at pagpupugay ang inihahandog ng Kabataang Makabayan sa lahat ng kababaihang magsasaka na patuloy na nakikipagsapalaran at nakikibaka para sa kanilang demokratikong interes.

Para sa mga magsasaka sa kanayunan, manggagawa sa mga pabrika’t engklabo, maralita sa kalunsuran, pambansang minoryang ninanakawan ng lupa, at kabataang pinagkakaitan ng edukasyon, walang duda na ang tunay na nagkakaisang lakas ng sambayanan ang kinakailangan para tuluyang bugtuin ang gapos ng pagdurusang kanilang dinaranas.

Kaisa ng malawak na hanay ng masang magsasaka at manggagawa ang Kabataang Makabayan sa pagpupunyagi tungo sa isang lipunan na tunay na mapagpalaya at nagkakaisa! Higit kailanman, malinaw sa lahat ng demokratikong kabataan na ang tunay na pag-unlad ay makakamit lamang sa pamamagitan ng militanteng pagkilos at pakikibaka.

Kasabay ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa Kanayunan, ang panawagan ng Kabataang Makabayan: sumampa sa Bagong Hukbong Bayan! Bukas ang mga larangan sa lahat ng handang ialay ang kanilang buong panahon at buhay para sa pakikibaka tungo sa lipunang malaya sa pagsasamantala’t pang-aapi!

Daan-libo pang mga armas ang ating sasamsamin mula sa kamay ng mga kriminal na reaksyunaryong armadong pwersa! Naghihintay ang masa sa kanayunan!

Makibaka para sa pambansang demokrasya!
Isulong ang digmang bayan!
Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

https://cpp.ph/statements/hinggil-sa-pandaigdigang-araw-ng-kababaihan-sa-kanayunan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.