Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 25, 2021): Masaker sa 5 magsasaka sa Masbate, kinundena
Mariing kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bikol ang Philippine National Police (PNP) sa pagmasaker sa limang magsasaka sa Barangay Bugtong, Mandaon, Masbate nitong Oktubre 24. Ang mga biktima ay pawang mga sibilyan, taliwas sa pinalalabas ng PNP. Kinilala ng PNP ang isa sa biktima na si Eddie/Arnold Rosero, residente sa lugar.
Ayon kay Raymundo Buenfuerza, tagapagsalita ng BHB-Bikol, walang engkwentrong naganap sa pagitan ng PNP at BHB sa pinangyarihan dahil wala ni isang yunit ng BHB sa lugar noong mga oras na iyon.
Ayon naman sa PKP, dapat agad na maglunsad ng imbestigasyon ang lokal na yunit ng BHB upang tukuyin, arestuhin at papanagutin ang mga kriminal sa likod ng masaker. “Dapat gawin ng BHB ang lahat ng makakaya upang ibigay ang katarungan sa mga biktima at sa kanilang mga kamag-anak,” ani Marco Valbuena, Punong Upisyal sa Impormasyon ng PKP.
Hindi na bago ang ganitong krimen, noong Hunyo 8, minasaker din ng PNP ang tatlong magsasaka sa Sitio Porang, Barangay Anas, Masbate City. Dinukot ang mga biktima sa kani-kanilang tahanan bago pinatay. Ang mga biktima ay pinalabas ding mga kasapi ng BHB.
“Hinihimok namin ang mga lokal na upisyal ng pulisya, tuwiran mang sangkot man o hindi sa krimen, na makipagtulungan sa BHB at ibunyag ang buong katotohanan ukol sa masaker,” dagdag ni Valbuena.
[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]
https://cpp.ph/angbayan/masaker-sa-5-magsasaka-sa-masbate-kinundena/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.