Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 28, 2021): China Telecom sa US, ipinasara dahil sa “pambansang seguridad”
Ipinasara ng Federal Communications Commission (FCC) ng US noong Oktubre 26 ang lahat ng operasyon ng China Telecom sa bansa dulot ng pagiging “banta” nito sa pambansang seguridad. Ang China Telecom ay kumpanyang Chinese na buong pagmamay-ari at kinokontrol ng gubyerno ng China. Ito ang pampitong pinakamalaking kumpanyang telekomunikasyon sa buong mundo. Binigyan nito ng 60 araw ang mga kliyente ng China Telecoms — karamihan mga Chinese-Americans at mga negosyong Chinese — na lumipat sa ibang kumpanya.
Ayon sa FCC, nasa awtoridad ng gubyerno ng China na samantalahin, impluwensyahan at kontrolin ang China Telecom dahil isa itong kumpanya pang-estado. Mataas ang posibilidad na mapipilitan ang kumpanya na tugunan ang mga “rekwes” ng gubyernong Chinese ng impormasyon kaugnay sa mga kliyente nito sa US “nang walang sapat na prosesong ligal na nakapailalim sa independyenteng pamamahala ng hudikatura.”
Ayon pa sa US, ang pagmamay-ari at kontrol ng gubyernong Chinese sa China Telecom ay “nagdudulot ng signipikanteng risgo sa pambansang seguridad at pagpapatupad ng batas” sa pamamagitan ng pagbibigay-kontrol sa isang dayuhang bansa na “pasukin, ipunin, idiskaril at/o ilihis” ang mga komunikasyon sa US.
Alinsunod sa mga batas sa China, obligado ang China Telecom bilang kumpanyang pang-estado na “magbigay-suporta, umalalay at makipagtulungan sa gawaing paniktik ng estado, at panatilihing sikreto ang lahat ng kaalaman nito sa gawaing paniktik ng estado.”
Ang pagpapasara US sa China Telecom ang pinakahuli lamang sa sunud-sunod na mga hakbang ng panggigipit sa mga negosyong Chinese at bahagi ng pinaiigting na “gera sa kalakalan” sa pagitan ng dalawang higanteng imperyalistang bansa. Bago nito, ginipit din ng US ang negosyo ng kumpanyang Huawei, isa ring kumpanya sa telekomunikasyon sa China.
Sa Pilipinas, ang China Telecom ay kasosyo ni Dennis Uy at ang mga kumpanyang Udenna Corporation at Chelsea Logistics Company sa bagong itinatag na Dito Telecommunications. Si Uy ang pinakamalaking kroni at tagatayo ng mga prenteng kumpanya ni Rodrido Duterte. Walang kapital, karanasan o kaalaman sa 5G na telekomunikasyon si Dennis Uy at ang Udenna/Chelsea. Ibig sabihin, nakaasa ang buong paglalatag ng Dito sa China Telecom.
Maalala na noong Setyembre 2019, pumirma ang Armed Forces of the Philippines ng isang memorandum of agreement sa Dito Telecoms para magtayo ng mga pasilidad sa loob ng mga kampo nito. Nitong taon, mayroon na itong gayong mga pasilidad sa limang kampo militar, lahat sa Mindanao. Samakatwid, binigyang akses ng rehimeng Duterte ang China Telecom hindi lamang sa merkado ng pribadong telekomunikasyon (tulad sa US), kundi sa mismong sentro ng pambansang seguridad nito.
Kapalit ng espasyo, magbabayad ng “upa” ang China Telecoms sa AFP. Pero hindi ito sa anyo ng pera kundi sa “serbisyo” para idisenyo at “paunlarin” ang mga sistema, produkto at serbisyo sa komunikasyon ng AFP. Bibilhin rin sa China Telecom ang lahat ng materyal, kagamitan at aksesori sa pagtatayo ng gayong mga sistema. Ibig sabihin, bibilhin pa ng AFP ang mga kagamitan na pwedeng ipang-espiya sa kanya.
[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]
https://cpp.ph/angbayan/china-telecom-sa-us-ipinasara-dahil-sa-pambansang-seguridad/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.