Posted to Kalinaw News (Mar 16, 2021): Mahigit P5M na ayuda, naipamahagi sa mga dating miyembro ng rebeldeng CPP-NPA
CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela- Umabot sa mahigit limang milyong piso sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ang natanggap na ayuda ng mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan ngayong araw, ika-16 ng Marso taong kasalukuyan sa San Mariano, Isabela.
Ipinamahagi ni Director Jonathan Paul Leusen Jr ng Department of Interior and Local Government Region 02 ang tulong pinansyal ng 77 na mga dating miyembro ng rebeldeng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamamagitan ng 95th at 86th Infantry Battalion at iba pang mga ahensya ng pamahalaan. 39 dito ang mga dating regular na miyembro ng rebeldeng grupo habang 38 naman ang mga dating miyembro ng Milisya ng Bayan (MB). Nasa 19 naman na nakapagbaba ng kanilang mga armas ang nabigyan ng karagdagang ayuda.
Ayon kay Director Leusen, ang suportang ibinigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng ECLIP sa mga dating miyembro ng rebeldeng grupo ay magagamit upang magsimulang muli at magkarron ng panimulang pangkabuhayan. Aniya, ito ay isang paraan upang masugpo ang matagal ng problema sa insurhensiya. “Salamat sa inyong pakikipagtulungan para matapos na natin itong insurhensiya. Kayo na mismo ang nakaranas ng kahirapan sa loob ng NPA at ngayo’y tinatamasa ang suporta at pag-alalay ng pamahalaan. Kasama ninyo kami sa DILG sa inyong pagbabago ng inyong buhay.”
Hindi matawaran ang naging pasasalamat ni Alyas Ramil, dating regular na miyembro ng CPP-NPA sa tulong at pagkalinga ng pamahalaan sa kanilang mga nagbalik-loob sa gobyerno. “Napakalaking bagay po ang natanggap kong suporta upang makagsimula kaming muli ng aming pamilya. Gagawin ko ang lahat upang tahakin ang tamang direksyon sa buhay. Maraming Salamat po!”
Sinabi ni BGen Danilo D Benavides PA, Brigade Commander ng 502nd Infantry Brigade, na ang kanilang natanggap na mga tulong mula sa pamahalaan ay patunay na tama ang kanilang naging desisyon na magbalik-loob sa gobyerno. “Napatunayan na ninyo na handa kayong tulungan ng ating pamahalaan. Umaasa ako na ang ayudang inyong natanggap ngayong araw ay magagamit ninyo sa inyong pang araw-araw na pamumuhay. Nandito kami upang kayo ay alalayan at suportahan sa inyong pagbabagong buhay.”
Nanawagan naman si MGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa mga natitira pang mga miyembro ng rebeldeng CPP-NPA na magbalik-loob na sa pamahalaan. “Kinikilala ng pamahalaan na kayo ay mga biktima ng panlilinlang at maling ideyolohiya ng CPP-NPA kung kaya hinihikayat namin kayong bumaba na at magbalik loob. Handa ang ating pamahalaan upang kayo ay matulungang magsimulang muli at makapagbagong buhay.”
Samantala, dinaluhan din ng Isabela Police Provincial Office, Isabela Provincial Social Welfare and Development Office, Technical Education and Skills Development Authority, Lokal na Pamahalaan ng Benito Soliven at San Mariano ang naturang aktibidad.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/mahigit-p5m-na-ayuda-naipamahagi-sa-mga-dating-miyembro-ng-rebeldeng-cpp-npa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.