Wednesday, March 17, 2021

Kalinaw News: 300 na katao nabenipisyohan sa Community Outreach Program

Posted to Kalinaw News (Mar 15, 2021): 300 na katao nabenipisyohan sa Community Outreach Program



Malita, Davao Occidental – Sa ginanap na Community Outreach Program sa Sitio Mainit, Barangay Sibulan, Sta. Cruz, Davao del Sur, nabigyan ng serbisyo ang mahigit 300 na katao ng mga kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion, lokal na pamahalaan ng Sta. Cruz, ibat ibang ahensya ng gobyerno at Youth For Peace Talbos Movement, Sta Cruz Chapter nitong ika-13 ng Marso taong 2021.

Nagkaroon ng libreng rehistro ng birth certificate, baksinasyon ng mga hayop, medical check-up, libreng gupit, distribusyon ng food packs, tsinelas, at mga bola. Isinagawa din ang feeding program at pagpapakita ng mga talento.

Namigay din ng solar light ang lokal na pamahalaan ng Sta. Cruz. “Nawa’y ang ibinigay na pailaw ng munisipyo ang gagabay sa ating mamamayan ng Sitio Mainit sa tamang landas na nais ng gobyerno,” matalinghagang sabi ng alkalde.

Sa katunayan, ikinatuwa ng mga kabataan ang mga natanggap na premyo sa panlarong bata na kanilang ginawa. “Ang mga ngiting ito ay hindi makikita sa mga kabataan kung maling ideolohiya ang itinuturo sa kanila. Winawala lamang ng kilusan ang kapayaan, katahimikan at simpleng pamumuhay ng taong bayan,” pahayag ng Pinuno ng 73IB na si Lt. Col. Ronaldo G Valdez.

“Kaya nagpapasalamat ako sa mga ahensya ng lokal ng pamahalaan sa suportang kanilang ibinahagi sa paghatid ng serbisyo kasama ang mga kasundaluhan” kanyang dagdag.

Ang ganitong programa ng gobyerno ay ang pagtutulungan ng mga ahensya upang ihatid ang mga serbisyo ng gobyerno na kailangan ng mga mamamayan. Nakapaloob ito sa EO 70 sa tinatawag na Whole of Nation Approach.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/300-na-katao-nabenipisyohan-sa-community-outreach-program/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.