Tuesday, March 2, 2021

Kalinaw News: Bagong Battalion Commander ng 40IB, itinalaga

From Kalinaw News (Mar 1, 2021): Bagong Battalion Commander ng 40IB, itinalaga



Camp Siongco, Maguindanao – Naupo bilang bagong Battalion Commander ng 40 Infantry “Magiting” Battalion si Lt. Col. Edwin M. Alburo matapos palitan si Lt. Col. Rogelio S. Gabi sa ginawang Change of Command Ceremony sa Headquarters ng 40IB sa Barangay Tual, President Quirino, Sultan Kudarat nitong ika-23 ng Pebrero, 2021.

Pinangunahan ni 6th Infantry “Kampilan” Division at Joint Task Force Central Commander, Major General Juvymax R. Uy ang seremonya. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Maj. Gen. Uy na ang maayos na pagpapatupad ng intelligence at combat operations laban sa mga threat groups sa nasasakupang lugar, epektibong pakikipagtulungan sa mga stakeholders at matagumpay na pagpapatupad ng reporma ay syang nagdala sa tagumpay ng Magiting Troopers.

Binati naman ni Maj. Gen. Uy ang bagong upo na Battalion Commander ng 40IB na si Lt. Col. Alburo at tiwala siyang magampanan o mahigitan pa ang mga tagumpay na nagawa ng pinalitang opisyal.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/bagong-battalion-commander-ng-40ib-itinalaga/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.