From Kalinaw News (Mar 1, 2021): Karahasan ng mga Bandidong BIFF, Napigilan ng 6th Infantry (Redskin) Battalion
Camp Siongco, Maguindanao – Napigilan ng 6th Infantry (Redskin) Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Charlie C. Banaag and tangkang karahasan ng mga bandidong BIFF sa komunidad ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao noong ika-28 ng Pebrero 2021.
Nakasagupa ng 6IB at 23rd Mechanized Company bandang alas-2 ng madaling araw ang mga elemento ng bandidong BIFF-Karialan Faction matapos nilang tangkang sunugin ang mga bahayan sa komunidad ng Sitio Gadong, Barangay Pagatin 1, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao. Tumagal ng tatlong oras ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng apat at pagkasugat ng dalawang myembro ng terroristang grupo.
“Sa loob ng panahon na yun nagawa nilang sunogin ang isang pamamahay ng isang residente doon”, ayon kay Lt. Col. Banaag.
Sinabi naman ni 1st Mechanized Infantry (Maaasahan) Brigade Commander Col. Pedro Balisi Jr., narekober nila ang sampung mga Improvised Hand Thrown Grenade. Agad naman itong dinis-arma ng Explosive Ordnance Disposal Team.
“Trademark ng mga teroristang grupo ang narekober naming mga explosive materials”, ayon kay Col. Balisi Jr.
Samantala nanawagan naman si Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division Commander Major General Juvymax R. Uy sa mga myembro ng teroristang grupo na ibaba na lang ang kanilang mga armas at magbalik-loob na lamang sa gobyerno at mamuhay ng mapayapa katulad ng iba nilang dating kasamahan na tinatamasa na ngayon ang normal na buhay.“Walang lugar sa komunidad ang karahasan. Panawagan ko na lang sa kanila na bumaba at iwanan na ang maling indoktrinasyon”, pahayag ni Maj. Gen. Uy.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.