Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 11, 2021): Depensahan ang Timog Katagalugan! Hustisya para sa mga biktima ng Bloody Sunday massacre!
KARINA MABINI | SPOKESPERSON | KABATAANG MAKABAYAN-SOUTHERN TAGALOG | NDF-SOUTHERN TAGALOG | NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINESMARCH 11, 2021
Isang karumaldumal na krimen kontra sa mamamayan ang kinasangkutan ng pasistang PNP sa araw ng Marso 7, 2021. Sa loob lamang ng isang araw, pinatay ng mga pasista ang 9 na aktibista habang 6 naman ang inaresto sa rehiyon ng Timog Katagalugan. Dagdag lamang ang ‘Bloody Sunday’ sa mahabang listahan ng inutang na dugo sa kamay ng kapulisan at ng diktador na si Duterte.
Madaling araw pa lamang ng Marso 7 ay sinimulan na ng PNP ang kanilang krimen. Sa isinagawang mga raid ng kapulisan iligal nilang inaresto at tinaniman ng mga armas at granada ang mga di-armadong aktibista. Bigla-biglang binulabog ng kapulisan ang mga tahanan, opisina at pati na din ang isang workers assistance center upang halughugin ang mga ito. Kasabay ng mga pang-aaresto, walang awang pinagpapatay ang mga aktibista sa kanilang mga tahanan. Sa ginawang opensiba ng mga pasista kanilang pinatay sina:
Manny Asuncion
Chai Evangelista
Ariel Evangelista
Makmak Bacasno
Michael Dasigao
Abner Esto
Edward Esto
Puroy dela Cruz
Randy dela Cruz
Walang awa at tunay na mga traydor sa masang Pilipino ang kapulisan. Ang isinagawang massacre ay napapasailalim sa EO 70 o Whole of Nation Approach ng rehimeng duterte na siyang madami nang pinaslang na mga progresibo. Naganap din ang ‘Bloody Sunday’ matapos ang pagbitaw ng diktador na si Duterte sa kaniyang linya na “Kill, Kill, Kill”. Malinaw sa nangyayaring pang-tokhang sa mga aktibista na hindi kayang tapatan ng pasistang estado ang armadong pakikibaka sa kanayunan. Ang mga duwag sa Crame, Aguinaldo at Malacañang ay ngayo’y tinatarget ang kanilang mga sariling mamamayan na kanilang binabansagan na lamang bilang mga komunista. Hindi mga armado ang pinatay na mga aktibista; sila’y mga sibilyan!
Maigting ang pagkundena ng KABATAANG MAKABAYAN – TK sa walang habas na pagpaslang ng rehimeng Duterte sa mahabang listahan ng mga aktibista nitong mga nakaraang araw! Patunay ang Bloody Sunday Crackdown na walang ligtas sa kamay ng berdugong estadong halang ang sikmura — may kapangyarihan man o wala, may armas mang tangan o di armadong sibilyan, mapa-siyudad man o sa kanayunan. Walang palya ang rehimeng ito sa patuloy na pambubusabos at pang-aabuso sa karapatang pantao ng mga mamamayang Pilipino.
Ang patuloy na pagyurak ng rehimeng Duterte at ng mga kapulisan at militar sa karapatan at kinabukasan ng masang Pilipino ang siyang mas nagpapa-alab sa bitbit na laban ng pambansa-demokratikong rebolusyon. Hindi kailanman lapastangan ang pagsulong ng armadong pakikibaka kung ang estado na mismo ang nagpapadanak ng dugo at umuubos sa mga mamamayan nito!
Kabataan, ngayon na ang tamang panahon upang kumilos at sumapi sa rebolusyon! Malaki ang ating ginagampanang papel bilang mga Anak ng Bayan sa pagsupil sa ugat ng paghihirap ng mga Pilipino.
Atin lamang itong mapagtatagumpayan kung tayo’y tutungo sa kanayunan at sasapi sa pinakamataas na antas ng pakikibaka, bitbit ang armas at ang mga panawagan para sa hustisya at luha ng mga naiwan ng ating mga kasamang nilunod ng rehimeng Duterte sa sarili nilang dugo.
Kabataan, sumama sa Bagong Hukbong Bayan!
https://cpp.ph/statements/depensahan-ang-timog-katagalugan-hustisya-para-sa-mga-biktima-ng-bloody-sunday-massacre/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.