Friday, January 15, 2021

PRLEC sa Rizal, Cagayan

From the Philippine Information Agency (Jan 15, 2021): PRLEC sa Rizal, Cagayan (By 5th Infantry Division)

GAMU, Isabela, Enero 15 (PIA)- Inilunsad ng Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) ang proyektong TESDA Alay ay Liwanag at Asenso Gamit ang enerhiya ng Araw (TALAGA) sa Barangay Minanga, Rizal, Cagayan noong ika-13 ng Enero taong kasulukuyan.


Sasailalim sa labinlimang araw na pagsasanay ang nasa 27 na mga indibidwal sa ilalim ng proyektong TALAGA na pangungunahan ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA katuwang ang 501st Infantry Brigade, 5th Infantry Division Philippine Army at iba pang mga miyembro ng PRLEC.

Layunin ng pagsasanay na turuan ang mga benepisyaryo sa paggawa ng Solar Panel na magbibigay ng elektrisidad sa naturang barangay at upang mabigyan din sila ng pangkabuhayan sa pamamagitan ng Photovoltaic (PV) Systems Installation.

Binigyang diin ni Josephine Cabrera ng TESDA ang kahalagahan ng naturang pagsasanay dahil makatutulong ito sa pagbibigay ng liwanag sa mga tahanan ganundin bilang hanap-buhay ng mga residente. Aniya, daan ito upang makamit ang asenso at progreso.

Sa naging pahayag naman ni Punong Barangay Elmer Echemane, malaki ang kanyang naging pasasalamat sa pagsisikap ng mga miyembro ng PRLEC na marating ang kanilang lugar at maipaabot sa mga residente ang kanilang proyekto.

“Matagal nang panahon na inabuso ng mga rebeldeng CPP-NPA ang aming barangay. Kaya mas lalong tumindi ang hirap ng kalagayan namin dito. Kaya nagpapasalamat kami sa TESDA, sa kasundaluhan, maging sa kapulisan at iba pang mga ahensya ng pamahalaan na patuloy na nagsusumikap upang maiparating ang mga proyekto at serbisyo publiko. Napakalaking tulong ng protektong ito upang magsimulang bumangon at umasenso ang bawat isa sa amin,” Dagdag ni Echemane.

Sinabi naman ni Col Steve D Crespillo INF (GSC) PA, commander ng 501st Infantry Brigade na hindi pababayaan ng kasundaluhan ang kanilang lugar.

https://pia.gov.ph/news/articles/1063902

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.