From the Philippine Information Agency (Jan 15, 2021): Mga empty canister ng 'Rocket Warheads' mula US natagpuan sa Claveria,Cagayan (By Oliver T. Baccay)
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Enero 14 (PIA) - Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad kung papaano nakarating sa dalampasigan ng Claveria dito sa lalawigan ang dalawampu't apat na mga kahon na naglalaman ng empty canister ng rocket warheads o basyo ng mga pampasabog.Nagpapatrolya umano ang mga kapulisan at mga kawani ng Philippine Coast Guard sa baybayin ng nasabing bayan nang lumapit ang tatlong mga mangingisda na nagturo sa kanilang mga nakitang palutang-lutang na mga hinihilang mga kargamento ng militar.
Agad namang sinuri ng Explosives and Ordinance Division ng PNP region 2 ang mga kargamento kung saan napag-alaman na hindi bababa sa 90 piraso ng empty canister ang laman ng mga kahon na gawa sa kahoy.
Pinaniniwalaang posibleng inihulog ito ng hindi pa natutukoy na banyagang sasakyan pandagat sa karagatan bahagi ng lalawigan.
Nasa pangangalaga na ng mga otoridad sa bayan ng Claveria ang nasabing mga kargamento at nakatakdang ipasakamay sa EOD para sa tamang disposisyon. (MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)
https://pia.gov.ph/news/articles/1063890
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.