Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 7, 2020): 2020: Mga atake ng GRP sa mga konsultant ng NDF, walang awat
Mariing kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang walang awat na paninibasib ng rehimeng US-Duterte sa maruming gera nito laban sa mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayang Pilipino. Noong huling bahagi ng Nobyembre sunud-sunod nitong inatake ang limang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa usapang pangkapayapaan. Labag ito sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) na naggarantiya sa kanilang seguridad.
Noong Nobyembre 25, bandang alas-3 ng madaling araw, sinalakay ng mga pulis ang tinitirhang bahay sa Angono, Rizal ng mag-asawang Eugenia Magpantay at Agaton Topacio at pinatay sila nang walang kalaban-laban. Parehong 69 taong gulang na ang mag-asawa, may mga sakit tulad ng diabetes at rayuma at pinakamalamang na tulog sa oras ng pamamaslang. Sila’y dating mga upisyal ng Partido na nagretiro kamakailan dahil sa mga sakit.
Sadyang galit na galit ang mga berdugo sa mag-asawa kaya’t hindi sila binigyan ng pagkakataong mabuhay pa. Gayunman, hindi sila malilimutan ng mga inaapi at pinagsasamantalahang masa, laluna sa Gitnang Luzon, dahil sa mahigit apat na dekadang paglilingkod nila sa rebolusyon. Dating kasapi ng Kawanihang Pampulitika ng Komite Sentral si Magpantay at isa sa mga nangungunang kadre ng Partido na naghanda at nagtipon ng mga delegado para sa Ikalawang Kongreso ng PKP noong 2016. Si Topacio naman ay dating kasapi ng National Operational Command ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), at dating kalihim ng Central Luzon Regional Party Committee.
Mariin ding kinundena ng PKP ang hindi makatarungang paghatol ng korte ng Quezon City noong Nobyembre 27 ng habambuhay na pagkabilanggo kina Benito Tiamzon at Wilma Austria. Batay ito sa gawa-gawang mga kasong kidnapping at iligal na detensyon na isinampa laban sa kanila. Kaugnay ito ng pag-aresto ng BHB-Southern Tagalog kina Lt. Abraham Casis (ngayon ay retiradong heneral na) at limang iba pang sundalo bilang mga prisoner-of-war (POW) noon pang 1988. Ang pagdisarma at pagkabimbin ng mga tauhan ng militar bilang mga POW o mga bihag ng digma ng BHB ay lehitimo at makataong hakbang sa pakikidigma.
Samantala, inaresto ang dating konsultant ng NDFP na si Alfredo Mapano habang nagtatrabaho sa Phividec noon ding Nobyembre 27 sa Tagoloan, Misamis Oriental. Mahigit pitong taong nakakulong si Mapano at napalaya lamang noong 2016 upang sumali sa usapang pangkapayapaan sa Norway. Namahinga na rin si Mapano mula nang ibinagsak ng rehimeng Duterte ang usapang pangkapayapaan at nagtrabaho sa naturang kumpanya. Ikinababahala ng Philippine Ecumenical Peace Platform ang patraydor na pag-aresto kay Mapano na pumaloob na sa programa ng pagsurender at “rekonsilyasyon” ng reaksyunaryong estado.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/12/07/mga-atake-ng-grp-sa-mga-konsultant-ng-ndf-walang-awat/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.