Monday, December 7, 2020

CPP/Ang Bayan: Ika-157 Araw ni Bonifacio: Panagutin si Duterte,#ipaglaban ang kabuhayan!

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 7, 2020): 2020: Ika-157 Araw ni Bonifacio: Panagutin si Duterte,#ipaglaban ang kabuhayan!



Sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno, nagprotesta ang mahigit 6,000 katao sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City noong Nobyembre 30. Sigaw nila ang panawagan para sa kaligtasan, trabaho at karapatan.

Tinutulan nila ang nagpapatuloy na red-tagging ng rehimen at pagpapatupad ng Anti-Terror Law na ginagamit para supilin ang mga kritiko nito. Anila, ginamit ng mga upisyal-militar ang pagdinig sa Senado noong Nobyembre 24 para magkalat ng disimpormasyon at kasinungalingan kaugnay sa mga lehitimong demokratikong organisasyon at kongresista.

Kasabay ng araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, ginunita rin ng mga kabataang aktibista ang ika-22 anibersaryo ng Anakbayan. Nangako silang ipagpapatuloy ang laban ni Bonifacio para sa pambansang demokrasya at kalayaan.

Sa Baguio City, nagtipon ang mga aktibista sa Malcolm Square. Tinutulan nila ang paggawad ng lokal na gubyerno ng karapatan sa SM Prime Holdings para isaayos ang Baguio City Market. Anila, ibinasura ng syudad ang rekomendasyon ng mga manininda laban dito. Mariin din nilang tinutulan ang red-tagging ng rehimen sa mga aktibista sa rehiyon.

Kasabay nito nagkaroon din ng programa sa mga bayan ng Sta. Rosa, Cabuyao at Calamba sa Laguna at Plaza Miranda, Angeles City sa Pampanga. Sa Panay, nagprotesta rin ang Kadamay sa Jaro, Iloilo habang may programa rin sa Kalibo, Aklan at Roxas City, Capiz. May pagkilos din ang Bayan-Negros sa Bacolod City. Nagkaroon ng girian sa Mandaue City, Cebu at Balanga, Bataan matapos salakayin ng mga pulis ang mga raliyista. Sa Davao, nagkaroon ng pagkilos sa Bankerohan Public Market at Freedom Park, Roxas Avenue sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno-Southern Mindanao.

Ginunita rin sa araw na ito ang ika-56 anibersaryo ng Kabataang Makabayan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/12/07/ika-157-araw-ni-bonifacio-panagutin-si-duterteipaglaban-ang-kabuhayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.