From the Philippine Information Agency (Oct 19, 2020): Dalawang miyembro ng NPA sa Isabela, nagbalik-loob sa pamahalaan (By 5th Infantry Division)
Litrato ng 5ID
GAMU, Isabela, Oktubre 19 (PIA) - - - Nagbalik loob sa gobyerno ang dalawang supply officer ng rebeldeng New People’s Army sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng San Mariano, Isabela habang dalawang armas naman ang narekober, noong ika-11 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Sa ginawang panghihikayat ng kani-kanilang mga asawa na una na ring nagbalik-loob, sumuko sa hanay ng 95th Infantry Battalion, Philippine Army at mga kapulisan sina alyas Grace at alyas Lita ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV).
Pagbabahagi ni alyas Grace, taong 2014 nang mahikayat siya nina alyas Acer at alyas Peter na umanib sa rebeldeng kilusan sa bayan ng Nagtipunan, Quirino bago siya inilipat sa bayan ng San Mariano, Isabela. Habang si alyas Lita ay nahikayat na umanib noong taong 2015 sa panghihikayat naman ni alyas Shuli.
Taong 2019 nang kapwa hindi na naging aktibo sa kilusan ang dalawang nagbalik-loob matapos na makita nilang tuluyan nang humina ang kanilang hanay dahil sa kawalan ng suporta ng mga tao sa grupong NPA.
Nakita din nila ang pagbabago sa kanilang komunidad simula ng mawala ang impluwensya ng mga NPA. Napagtanto na rin nila ang ginawang panlilinlang ng mga teroristang NPA at hindi na nila nanaisin pang muli silang maging biktima ang mga ito, lalo na ang mga kabataan.
Samantala, narekober naman ng mga otoridad ang isang M16 rifle, US carbine M1 at isang short magazine sa pamamagitan ng impormasyong ibinahagi ng isang dating miyembro rin ng rebeldeng grupo. Nakuha ang mga gamit pandigma sa Barangay Cadsalan, San Mariano, Isabela na itinago ng mga terroristang NPA.
Ipinahayag naman ni BGen Laurence E Mina PA, commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang kanyang papuri sa patuloy na pakikiisa ng mga dating rebelde upang hikayatin ang iba pa nilang dating kasamahan na bitawan ang maling ideolohiyang isinusulong ng teroristang NPA.
“Ang sunud-sunod na pagsuko at pagkakadiskubre ng mga gamit pandigma ng teroristang NPA sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga dating rebelde at mga mamamayan ay nagpapakita lamang ng kanilang pagnanais na tuluyang mawala ang impluwensiya ng NPA sa kanilang komunidad," ani Bgen Mina.
"Ikinagagalak kong makita na namulat na ang taumbayan sa tunay na adhikain ng NPA- panloloko, panlilinlang, pangingikil at paghahasik ng takot sa mga komunidad. Hangad ko ang walang humpay na pagtutulungan ng lahat upang iwaksi ng tuluyan ang teroristang NPA sa ating bayan," dagdag niya. (MDCT/PIA-2)

https://pia.gov.ph/news/articles/1056447
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.