Monday, October 19, 2020

CPP/NPA-Albay: Matagumpay na Ambus sa Brgy. Tobgon, Oas, Aksyong Pamarusa ng NPA Albay sa 9th ID at Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC)

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 19, 2020): Matagumpay na Ambus sa Brgy. Tobgon, Oas, Aksyong Pamarusa ng NPA Albay sa 9th ID at Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC)

FLORANTE OROBIA
SPOKESPERSON
NPA-ALBAY
SANTOS BINAMERA COMMAND
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND
ROMULO JALLORES COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY

OCTOBER 19, 2020



Pagpupugay ang ipinapaabot ng masang Albayano sa matagumpay na ambus na isinagawa ng yunit ng Santos Binamera Command – Bagong Hukbong Bayan-Albay laban sa pinagsamang pwersa ng 49th Infantry Battallion (49th IB) at 9th Infantry Division – Civil Military Operation Battallion (9th ID CMO Bn). Naganap ang naturang ambus sa hangganan ng Brgy. Del Rosario at Tobgon, bayan ng Oas nito lamang Oktubre 17, 3:00 ng hapon. Apat (4) ang naitalang patay kabilang si Sgt. Ignacio Refuerzo ng 9th ID-CMOB habang hindi pa rin nakilala sa kasalukuyan ang tatlo (3) pa na ayon sa mga nakasaksi ay ihinilera sa kalsada. Sampu naman ang naitalang sugatan kabilang ang nakilalang sina Sgt. Edgar Sarahan, Pfc. Alsaddam Abdulahid, Pfc. Alvin Esteria, Pvt. John Mark Verdeflor at Pvt. Teodoro Cardano, Jr., liban pa sa mga nawawala. Galing sa operasyong Retooled Community Support Program (RCSP) ang naturang mga pwersa ng militar.

Isinagawa ang naturang ambus bilang tugon sa umuugong na panawagan ng masa para sa hustisya sa patung-patong na pasistang krimeng hatid ng EO 70-Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC), 9th Infantry Division Phil. Army at pwersa nitong 49th IB sa prubinsya. Tugon din ito sa kahilingan ng mga kaibigang Local Government Unit (LGU) officials na parusahan ang RTF-ELCAC sa pandarahas at pagkontrol nito sa sibilyang gubyerno upang pumailalim sa dikta ng militar at pwersahing lumahok sa kampanyang panunupil sa tabing ng programang kontra-insurhensya. Ito ang motibo ng 49th IB sa pagpatay sa punong barangay at ingat-yaman ng Brgy. Batbat na sina Luzviminda Dayandante at Albert Orlina. Ginamit ding pananggalang sa convoy ng militar ang mga upisyal ng OAS LGU at DILG Albay. Liban pa, ayon mismo sa mga sibilyang upisyal, ginagamit lamang sila ng mga upisyal ng militar upang padulasin ang pangungurakot sa pondong ilinaan sa kontra-insurhensya sa rehiyon. Ginagamit din ang LGU sa panlilinlang sa masa sa militaristang konsepto ng serbisyo sa komunidad tulad ng caravan at information drive.

Nagsisilbi din itong panawagan sa lokal na pulisya na tutulan ang pagsangkot sa kanila sa operasyong militar ng 9th ID. Ginagamit lamang kayo ng dibisyon para punan ang labis na kakulangan at kahinaan ng kanilang pwersa laban sa rebolusyonaryong pakikidigma ng bayan. Taliwas sa inyong mandato ang maging sunud-sunuran sa militar.

Paghihirap, takot at teroristang karahasan ang tanging idinulot ng RTF-ELCAC sa masa sa prubinsya at sa rehiyon. Wala ni isang bakas ng pag-unlad ang tinamasa ng mamamayang Albayano isang taon matapos buuhin ang RTF-ELCAC. Hanggang ngayon, hindi mahagilap ang P3.3 bilyong umano’y nakalaan para sa programang kontra-insurhensya sa rehiyon. Higit pa ngang nalantad sa publiko at midya ang mas maraming kaso ng pag-aabuso, paglabag sa karapatan, at pamamaslang kumpara sa kathang-isip at hanggang ngayo’y pangakong proyekto at serbisyo. Tatlong buwan matapos ipakat sa Albay ang 49th IB, wala ni isang kalsada o gahibla ng kaginhawaan ang dinala ng batalyon sa prubinsya. Tanging ang mga kaso ng pamamaslang, pananakot at pang-aabuso ang magugunita ng kahit sinong tanungin na masang biktima ngayon ng operasyong militar sa prubinsya. Hindi nga tinugunan ng mga operasyong RCSP ang pagdurusa ng masang magsasaka hatid ng nagpapatuloy na krisis sa agrikulturang pinalubha ng Rice Liberalization Law at epekto ng nagdaang bagyong Tisoy sa Kabikulan. Sa halip, ginagamit pa nga sa kasalukuyan ng militar ang Anti-Terror Law upang i-Redtag, pagbawalan at tugisin ang pagkilos ng masa upang igiit kahit man lamang ang pagpataas ng presyo ng palay at kopra. Ang lumalaganap na taniman ng kamote ng mga kababaihang magsasaka bilang pangsuhay na pagkain sa nagpapatuloy na krisis sa kabuhayan at pandemya ay binansagan ding PULA!

Taliwas sa nais palabasin ng militar at pulis prubinsya, masinsing pinipili ng pulang hukbo ang target nito. Tanging ang mga armadong elementong lulan ng dalawang trak ang target na pasabugan ng Command-Detonated Explosives (CDX). Subalit dahil sa intel na nakuha ng Hukbo mula sa mga mapagkakatiwalaang kaibigan sa militar na iginitna sa convoy ang sasakyang lulan ang OAS LGU at kawani ng DILG Provincial Office, pinalampas ang mga ito at hindi isinabay sa target kaya ang huling trak lamang ang ginamitan ng CDX. Kabulastugan na ang militar ang unang nakakita at nakapagpaputok gayong malinaw na ang huling sasakyan ang ginamitan lamang ng bomba. Hindi na rin pinaputukan ang iba pang sasakyan ng convoy dahil lulan nga ito ng mga sibilyang Oas-LGU at DILG Provincial Office. Matapos makuha ang hindi nagamit na iba pang CDX para sana sa naunang trak ay ligtas na umatras na ang yunit gerilya.

Ito ay babala at paalala sa 9th IDPA, Joint Task Force Bicolandia (JTFB) at RTF-ELCAC na hindi militarisasyon sa Albay ang kailangan ng masang magsasaka at ciudadano. Nananawagan ang SBC-BHB Albay sa mamamayang Albayano na paghandaan at biguin ang kagyat na teroristang tugon ng 49th IB, 9th CMO Bn at PNP. Tiyak na nag-uulol ang naturang batalyon na lubusang ipatupad ang Anti-Terror Law at gumawa ng desperado at mararahas na hakbangin upang patuloy na igiit ang kanilang presensya sa prubinsya.

Walang ibang panahon para magkaisa, kumilos at lumaban kundi ngayon. Marapat na igiit ng LGU ang kanilang sibilyang otoridad at kapangyarihang tutulan ang militarisasyon. Marapat na maging aktibong katuwang ng masa ang mga kagawad ng midya upang isiwalat at kundenahin ang mga abusong militar. Higit sa lahat, marapat na mabuo ang isang kilusang masa upang tuluyang mapalayas ang militar sa kanilang mag komunidad at manawagan para sa pagpapatalsik sa punong terorista na si Duterte. Hindi titigil ang SBC-BHB Albay na kamtin ang hustisya at panagutin ang pasistang AFP-PNP at si Duterte sa krimen nito sa mamamayang Albayano.##

https://cpp.ph/statements/matagumpay-na-ambus-sa-brgy-tobgon-oas-aksyong-pamarusa-ng-npa-albay-sa-9th-id-at-regional-task-force-to-end-local-communist-armed-conflict-rtf-elcac/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.