Posted to Kalinaw News (Jul 17, 2020): Kasalan at binyag para sa mga dating rebelde ng WGF71 (By Kalinaw News)
Malita, Davao Occidental – Masayang pinagdiriwang ng sabay ang walong (8) kasalan at tatlumput (30) binyag ng mga anak ng mga former rebels pati narin ng mga former rebels ng 73rd Infantry Battalion kahapon, July 16, 2020.
Kasabay ng Thanksgiving Mass na idinaos ay ang pagbinyag sa mga anak ng mga former rebels na umabot sa 10 at 20 naman sa mga former rebels. Samantala, nagkaroon naman ng tribal na kasalanan ang 8 na pares ng mga former rebels na kung saan ito ay binigyang-dangal ni Bethel Irene Itliong at Visitacion Ricanor, NCIP Representatives.
Ibinahagi ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Commander ng 73IB ang kanyang panawagan sa pamilya ng mga hindi pa sumuko. “Kita sa mga mata ng mga former rebels natin ang hindi maipaliwanag na kasiyahan. Kung kaya, para sa mga rebelde na nasa bundok, sumuko na kayo para makasama ang inyong pamilya gaya na lamang ng inyong natunghayan na kasalan at binyag,” saad niya
Simpleng seremonya ngunit bakas ang saya sa mga mukha ng mga bagong kasal at panibagong buhay para sa mga bininyagan.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/kasalan-at-binyag-para-sa-mga-dating-rebelde-ng-wgf71/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.