Saturday, July 18, 2020

Kalinaw News: DSWD namahagi ng assistance sa mga dating rebelde

Posted to Kalinaw News (Jul 18, 2020): DSWD namahagi ng assistance sa mga dating rebelde (By Kalinaw News)

Malita, Davao Occidental – Kasabay ng pagtatapos ng mga dating miyembro ng NPA sa Deradicalization program ng militar ay nakatanggap din sila ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development ng Rehiyon 11 at 12 nito lamang huwebes, July 16, 2020.

Ang pamamahagi cash assistance ay alinsunod sa Social Amelioration Program ng DSWD na pinangunahan ni Arthur John Gabucan, OIC Chief, Promotive Services Division, DSWD RXII at Reynel C. Ayungao, Regional Program Coordinator, DSWD RXI kasama ang Provincial Social Welfare And Development Office ng Sarangani at Davao Occidental. Isinagawa ang distribusyon kung saan ang parehong rehiyon ay nagbigay ng assistance sa lahat ng 63 former rebels ng 73rd Infantry Battalion.

Lubos na nagpasalamat si Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Commander ng 73IB, sa tulong na ibinahagi ng dalawang rehiyon. “Ang pagtutulungan ng dalawang rehiyon sa pamamahagi ng assistance ay nagpapakita ng isang matibay na pagtutulungan ng pamahalaan at kasundaluhan upang makapagbigay ng taos-pusong serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga kapatid nating dating miyembro ng teroristang NPA. “ dagdag pa niya.

Labis na saya ang makikita sa mukha ng mga former rebels pagkatanggap sa mga assistance galing sa dalawang rehiyon.









[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/dswd-namahagi-ng-assistance-sa-mga-dating-rebelde/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.