Saturday, July 18, 2020

Kalinaw News: Pagtatapos ng De-Radicalization Program

Posted to Kalinaw News (Jul 18, 2020): Pagtatapos ng De-Radicalization Program (By Kalinaw News)

Malita, Davao Occidental – Naging matagumpay ang pagtatapos ng anim na put tatlong (63) partisipante ng De-Radicalization Program na ginanap sa Headquarters, 73IB, Brgy Felis, Malita, Davao Occidental noong, July 16, 2020.

30 na former rebels ng Sarangani Province at 33 naman sa Davao Occidental ang nagtapos sa kanilang 10-day De-Rad activity. Ito ay dinaluhan ni Congresswoman Lorna Bautista-Bandigan na kung saan siya ang naging pangunahing tagapagsalita. Kasama sa aktibidad si Arthur John Gabucan, Promotive Services Division ng DSWD Region 12 at ng DSWD Region 11.

Saad ni Congresswoman Bandigan sa kanyang mensahe ang pasasalamat sa pagbuo ng nasabing aktibidad. “Gusto nako pasalamatan si Lt. Col. Valdez sa pagbuo ani. Nakita nako ang pag bag-o sa presensya sa atong mga former rebels kumpara atong sauna . Makita pud nimu sa ilahang mga itsura ug mata ang ilahay kalipay.” (Gusto kong pasalamatan si Lt. Col. Valdez sa pagbuo nito. Nakita ko ang pagbabago sa presensya ng mga former rebels natin kumpara noong huli ko silang nakita. Bakas ang saya sa kanilang mukha. Maging ang kanilang mga mata ay lumiwanag na.)

Samantala, nagbigay din ng mensahe si @Coco ng kanyang pasasalamat sa gobyerno sa mga tulong na ibinigay sa kanila.









[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/pagtatapos-ng-de-radicalization-program/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.