Sunday, July 19, 2020

Kalinaw News: Mataas na lider ng NPA at 6 na iba pa sumuko sa militar

Posted to Kalinaw News (Jul 19, 2020): Mataas na lider ng NPA at 6 na iba pa sumuko sa militar

Malapatan, Sarangani Province – Pitong (7) aktibong miyembro ng NPA ang sumuko at nagbalik-loob sa gobyerno sa tulong ng 73rd Infantry Battalion kabilang na ang mataas na lider na si alyas Lima.

Sa tulong ng Community Support Program ay sumuko ang pitong rebelde na pawang mga residente ng Sarangani Province at mga miyembro ng Platoon Central, Weakened Guerilla Front TALA o WGF TALA ng Far South Mindanao Regional Command (FSMRC) ng Teroristang New People’s Army o NPA. Si alyas Lima, komander ng nasabing grupo, ay nagdala ng isang M4 Rifle, dalawang rifle grenade, at tatlong M16 magazines. Samantala, isang alyas Ali naman na isang team lider sa grupo ay nagbaba naman ng isang M16 rifle.

Sa interbyu na isinagawa kay alyas Lima, kanyang nai-tip sa operatiba na may naitago pa silang Improvised Explosive Device (IED) sa So Sulkili, Brgy Kihan ng nasabing bayan. Ito ay agad namang inaksyonan ng kasundaluhan at matagumpay na nahanap ang IED.

Malugod na tinanggap ng unit ang grupo. Sa mensahe na ipinarating ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Commander ng 73IB, kanyang taos-pusong tutulungan ang nasabing grupo na mapabago ang kanilang buhay sa tulong ng pamahalaan lalo na kay @Lima na ayon sa nakalap na inpormasyon ay may malubhang sakit.

Dahil sa pagdeploy ng Community Support Program team at Community Development team sa naturamg lugar, naharang ng kasundaluhan ang pinagkukunan nila ng pagkain. Ito ang nagudyok sa kanilang sumuko. Samantala, kanilang naibahagi na may dalawa pa silang kasamahan na lumayo na sa kabilang grupo at nagbabalak na ding sumuko.

Samantala, kabilang sa mga sumuko ang isang skwad lider, isang medical officer at tatlong pang mga elemento ng nasabing grupo na hindi pa papangalanan sa ngayon para na rin sa kanilang seguridad.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.