Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 7, 2020): Ika-47 taong anibersaryo ng NDF, ginunita
Ginunita ng mga alyadong organisasyon ang ika-47 anibersaryo ng National Democratic Front noong Abril 24. Ipinaabot ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at Bagong Hukbong Bayan ang pagsaludo sa NDF sa pagbibigkis sa mamamayang Pilipino sa ilalim ng bandila ng pambansang demokrasya.
Anang PKP, kinakailangang palakasin ng NDF ang panawagan para sa pagbubuo ng isang nagkakaisang prenteng humanitarian para pagkaisahin ang lahat ng demokratikong pwersa para pigilan ang pagkalat at pananalasa ng pandemyang Covid-19.
Pinangunahan ng mga rebolusyonaryong organisasyon ang pagsasagawa ng mga klinikang bayan, pamamahagi ng bigas, kampanyang impormasyon at mga pagsasanay-medikal sa iba’t ibang prubinsya at rehiyon.
Naglabas ng mga pahayag ng pakikiisa ang mga lokal na balangay ng NDF sa Ilocos, Mindoro, Bicol, Eastern Visayas, Negros, Panay at Southern Tagalog.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/05/07/ika-47-taong-anibersaryo-ng-ndf-ginunita/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.