Sama-samang lumagda ang mga opisyales ng barangay sa Palawan sa isang kalatas na naglalaman ng deklarasyon ng Persona non Grata sa Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), pagkatapos ng isinagawang Awareness Symposium for Barangay Officials na pinangasiwaan ng Palawan Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC). (Larawan mula sa Palawan Task Force - ELCAC)
PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis 6 (PIA) -- May malaking papel ang mga opisyales ng barangay upang mapigilan ang impluwensiya ng rebeldeng grupo sa kanilang nasasakupan.
Ito ang nilalaman ng mensahe ng pananalita ni Brigadier General Charlton Sean Gaerlan, pinuno ng Joint Task Force Peacock ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Peace, Law Enforcement, and Development Support (PLEDS) Cluster ng Palawan Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa isinagawang ‘Awareness Symposium for Barangay Officials’ kamakailan sa lalawigan.
Sinabi ni Gaerlan na ang pamahalaang barangay ang siyang unang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad na kanilang nasasakupan at dapat na nakakaalam ng mga kahinaan na maaaring gamitin ng rebeldeng grupo upang mahikayat ang mamamayan na kalabanin ang gobyerno.
Aniya, kung magagampanan ito ng husto ng mga opisyales ng barangay, kusang iiwas ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) upang manghikayat ng mamamayan.
Samantala, inilatag naman ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) ang mga programa at serbisyo ng pamahalaang panlalawigan na kasalukuyan at maaari pang matamasa ng mamamayan sa barangay.
Sa pagpupulong, dumalo ang nasa 60 mga opisyales ng barangay na kinabibilangan ng mga punong barangay at kagawad mula sa mga lugar sa Palawan na apektado at maaaring ma-impluwensiyahan ng CPP-NPA-NDF.
Sama-sama ring lumagda ang mga ito sa isang kalatas na naglalaman ng deklarasyon sa CPP-NPA-NDF bilang ‘persona non grata’, na isinusulong sa Executive Order (EO) – 70 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.