Ang walong sumukong mga miyembro ng NPA noong Nobyembre 05, 2019 sa pangunguna ni Ka Allan. (Larawan ni Leila B. Dagot/PIA-Palawan)
Sa patuloy na kampanya ng Palawan Task Force-ELCAC na mawakasan ang armadong pakikibaka sa Palawan ay unti-unti ng nagbabalik-loob sa pamahalaan ang mga miyembro ng makakaliwang grupong NPA sa lalawigan.
Matapos na mailathala ng PTF-ELCAC ang nasa mahigit 30 na larawan ng nasa 'wanted list' na mga miyembro ng CPP-NPA ay dalawa na sa mga ito ang boluntaryong sumuko.
Bago pa man ito ay nauna nang sumuko ang walong mga miyembro ng NPA sa Palawan na pinangungunahan ni Ka Allan. Sumuko ang mga ito noong Nobyembre 5 sa Headquarters ng Joint Task Force Peacock na nasa compound ng 3rd Marine Brigade sa Bgy. Tiniguiban, lungsod ng Puerto Princesa.
Sa pagsuko ng mga ito ay kasama nilang isinuko ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng dalawang M16 rifle (Bushmaster) na may kasamang dalawang magazine at 10 rounds ammo; isang 9mm Tokarev Pistol; isang 9mm Norinko Pistol at isang SPAS3 12 gauge shotgun.
Matapos ang pagsuko ng grupo ni Ka Allan ay inilathala naman ng PTF-ELCAC ang nasa 36 na mga larawan ng iba pang ‘wanted’ na miyembro ng CPP-NPA sa lalawigan na naging dahilan upang makarating sa bawat komunidad sa lalawigan ang pagkakakilanlan ng mga ito at maipagbigay-alam agad sa mga otoridad.
Dahil sa inisyatibong ito ng PTF-ELCAC ay unti-unti na itong umaani ng tagumpay. Isa na dito ang boluntaryong pagsuko sa pamahalaan noong Nobyembre 16 ni Alyas Rico, Sangguniang Kabataan Chairman ng Bgy. Paly Island sa Bayan ng Taytay at tumatayong Presidente ng samahang Anakbayan sa nasabing munisipyo.
Sa panayam ng PTF-ELCAC kay Alyas Rico ay sinabi nitong hindi n’ya batid na ang kanyang pinasukang samahan ay kaanib ng mga makakaliwang grupo dahil ang paliwanag umano sa kanila ng mga ito ay makatutulong ang samahang ito sa kanilang mga kabataan ngunit kabaliktaraan umano ang nangyari.
Ang pagsuko ni Alyas Rico ay sinundan naman ng kusang pagsuko rin ni Alyas Shin/Shane sa operatiba ng Naval Forces West noong Nobyembre 24 at sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nito ay narekober ang isang 9mm Luger M00 TECKG9 Sub-machine gun na may kasamang isang magazine at 10 rounds ammo.
Si Alyas Shin/Shane ay isang dating batang mandirigma at nagsimula sa makakaliwang kilusan sa edad na 14. Sa pahayag nito sa PTF-ELCAC, sinabi niya na siya, ang kanyang ina at mga kapatid ay sapilitang kinuha ng grupong Karapatan-Southern Tagalog mula sa lalawigan ng Quezon upang mamundok dito sa Palawan. Dahil sa pamumundok umano nito ay hindi nito naranasan ang maging isang bata.
Mahigit 30 pa sa ‘wanted list’ na mga miyembro ng CPP-NPA ang inaasahang ng Palawan Task Force-ELCAC na susuko na rin sa pamahalaan.
Sa huling bahagi ng yugtong ito ay ilalahad naman ang mga binibigay na tulong ng pamahalaan para sa mga dating rebelde. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)
https://pia.gov.ph/news/articles/1030969

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.