Inilalatag ni Lt. Col Joel Jonson, pinuno ng Operations Center ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF – ELCAC) sa mga partisipanteng katutubo ang mga panunahing gawain ng iba't ibang ahensiya ng pamalahaan na may tungkulin sa Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo R. Duterte patungkol sa hangaring wakasan ang armadong pakikipabaka. (Larawan ni Leila B. Dagot/PIA-Palawan)
PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis 10 (PIA) -- Pagtibayin at palakasin ang mga pangunahing kasapi ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), katutubo na magsisilbing tagapagtaguyod ng kanilang mga karapatan, at mga katutubong pamayanan sa Palawan maging sa buong rehiyong binubuo ng (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Mimaropa.
Isa lamang ito sa mga nilalayon ng isinasagawa ngayong ‘Regional Action Planning Workshop’ ng NCIP katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na kasapi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF – ELCAC) na idinaraos sa Western Philippines University (WPU) sa bayan ng Aborlan.
Ayon kay Regional Director Roberto Almonte ng NCIP, madalas na nagagamit ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang kahinaan at isyung kinakaharap ng mga katutubo upang mahikayat ang mga ito sa armadong pakikibaka.
Sa presentasyon ng komisyon, inilatag ng opisyal ang mga isyu sa mga katutubong pamayanan, lalo na pagdating sa usapin ng kanilang lupaing ninuno. Ang mga ito ang siyang magiging batayan sa gawain upang makapagbuo ng mga aksyon at katugunan sa pagpapatibay ang kanilang mga Karapatan.
Ipinaliwanag ni Lieutenant Colonel Joel Jonson, pinuno ng Operations Center ng NTF-ELCAC ang mga tungkulin at pangunahing gawain at grupo ng bawat ahensiya ng gobyerno na magpapalakas sa bugkos ng Karapatan ng katutubong pamayanan ayon sa konteksto ng pambansang seguridad.
Aniya, layon din nito na maitaguyod ang isang matatag na ugnayan at suporta sa loob at labas ng lupaing ninuno sa pagitan ng mga katutubo at mga ahensiya ng pamahalaan.
Samantala, umaabot sa halos 100 nagsilahok, na kinabibilangan ng mga lider- katutubo, Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR), at mga kinatawan ng samahan ng mga katutubo mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan, ang dumalo sa gawain upang makibahagi sa talakayan at pagbalangkas ng mga plano at aksiyon. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.