Wednesday, May 1, 2019

CPP/NPA-Sorsogon: Dennis Espano, pang-apat na biktima ng death squad ni Duterte

NPA-Sorsogon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 30, 2019): Dennis Espano, pang-apat na biktima ng death squad ni Duterte

NEW PEOPLE'S ARMY
SAMUEL GUERRERO
NPA-SORSOGON (CELSO MINGUEZ COMMAND)
APRIL 30, 2019
Pinakamataas na antas ng pagkundena ang ipinapahayag namin sa panibagong kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang na ginawa ng armadong pwersa ni Duterte sa pangunguna ng itinayo nitong death squad kay Dennis Espano, 28 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Tinampo, Bulusan, Sorsogon nitong Abril 30 bandang ala 1:40 ng hapon.

Nagmamaneho ng tricycle noon si Espano kasama ang 2 kaibigan nitong sina Lilian Monteo at Zoren Furio, papunta sa isang lamay nang harangin sila sa Brgy. Poctol, Bulusan ng 4 na armadong kalalakihang sakay ng 2 motorsiklo at malapitang binaril si Espano. Agad na namatay si Espano habang nasugatan sa pamamaril ang 2 sibilyan at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Si Espano ay aktibong myembro ng progresibong partylist na Anakpawis, organisasyon ng mga magsasaka, manggagawa at mala-manggagawa na pangunahing lumalaban para sa tunay na reporma sa lupa at tumutuligsa sa pasismo at brutalidad ng rehimeng US-Duterte at mga alipores nitong AFP-PNP at CAFGU.
Pang-apat na si Espano sa listahan ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa probinsya sa ilalim ng Memorandum Order 32 (MO32) ng rehimeng US-Duterte. Pasista ang rehimen ni Duterte, intensyon nitong durugin ang lahat ng tumutuligsa sa kanya lalo na ngayong parating ang midterm election kung saan mas dumarami ang lumalahok at sumusuporta sa mga progresibong organisasyon at partylist laban sa kanyang bulok, pasista at korap na rehimen.

Ang pambibiktima ng sibilyan ay larawan ng karuwagan ni Duterte at ng kasapakat niyang mga militar at death squad kapag walang mahagilap na regular na NPA.

Katarungan para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang tao!

Mamamayan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Biguin ang Oplan Kapayapaan at MO32!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.