Pinasisinungalingan ng JRC-BHB Masbate ang sinasabing “engkwentro” ng mga kapulisan ng Placer, Masbate MPS laban sa BHB noong madaling araw ng Abril 1, 2019 sa Brgy. Ban-ao, Placer, Masbate.
Ayon sa ibinalita ng Online news na Bicol News Express ay umabot ng mahigit 15 minuto ang putukan sa pagitan ng dalawang grupo na ikinasugat ni Ernesto Pino,@ “Ka Bunso” na siyang tumatayong lider ng grupo. Dagdag pa sa balita ay kahit na sugatan si Ernesto Pino ay nagawa pa nitong matakasan ang mga pulis.
Walang kinalaman ang anumang yunit ng BHB sa nangyaring labanan sa nasabing lugar. Isang malaking kasinungalingan ang inilalako sa mamamayan ng mga kagawad ng AFP at PNP, gayundin ang pagpapagamit ng Bicol News Express para maging daluyan ng maling balita at dis-impormasyon.
Ang naganap na labanan ay sa pagitan ng mga pwersa ng PNP Placer MPS at pribadong armadong grupo (PAG) ng isang malaking partido pulitikal. Ang grupo ay kinontrata para maghasik ng takot at gulo sa panahon ng eleksyon, at ang totoong amo ng grupong ito ay ang mga opisyal ng 2nd IBPA, MICO at MIG para pagkakitaan.
Ang totoo nito, si Ernesto Pino’@ Ka Bunso” na taga So. Anagon, Brgy. Manamoc, Aroroy, Masbate ay matagal nang miembro ng CAFGU noon pang 1998 at ang patunay nito ang pagiging giya niya sa mga operasyong militar ng 2nd IBPA.
Para sa kaalaman ng mga Masbatenyo, ang nangungunang kontraktor ng mga pribadong armadong grupo dito sa Masbate ay ang mga kapulisan at sundalo, lalung-lalo na ang MICO na pinagkikitaan ng malaki ngayon ang 15 rebel returnees na pinamumunuan ni Rolando Epil,@ Ka Bulak o Jazel sa bayan ng Balud, Masbate na ikinontrata ni Sgt. Rico Amaro sa kalaban ng kasalukuyang Mayor ng Balud, Masbate. Katunayan, ang grupo ni Epil ang nagpasabog sa speed boat ng LGU Balud at ang tangkang pagpatay sa punong barangay ng Palani, Balud na si Joseph Eswan.
Binibigyang babala ng JRC – BHB Masbate ang lahat ng mga pulitiko sa probinsya ng Masbate na tigilan niyo na ang paggamit ng mga pribadong armadong grupo para maghasik ng karahasan sa mga botante. Mulat na ang taong bayan kung sinong mga kandidato ang may nagawa na para sa interes ng taong bayan lalo na sa pagtugon sa mga batayang pangangailangan at kayang ipagtanggol ang karapatang pantao na patuloy na niyuyurakan ng mga sundalo at pulis sa ilalim ng pasisitang diktadurang rehimeng US-Duterte.
Patuloy na ilantad at labanan ang mga pang-aabuso ng AFP at PNP. Lalo pang lulubha ang mga paglabag sa mga karapatang pantao sa ilalim ng diktador at tiranyang rehimeng US-Duterte sa pagpapatuapd ng EO 70 at Memorandum 32 kung saan umiiral ang de facto martial law sa tatlong rehiyon sa pamamagitan ng todo gerang atake sa mga mamamayan .
Mamamayang Masbatenyo , lumaban para ipagtanggol ang kontra mamamayang atake ng estado. Walang ibang maaasahan ang mamamayan kundi ang kanilang sariling lakas at militanteng paglaban at pagsusulong ng armadong pakikibaka para sa katarungang panlipunan.
Sagot sa Pasismo ng Estado, Digmang Bayan!
Mamamayang Masbatenyo, lumahok sa Digmang Bayan!
Sampa na sa NPA!
LUZ DEL MAR
Tagapamahayag
JRC-BHB Masbate
https://www.ndfp.org/pekeng-balita-ang-tungkol-sa-engkwentro-sa-pagitan-ng-pnp-placer-mps-at-npa-sa-placer-masbate/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.