Friday, April 26, 2019

CPP/NPA-Mountain Province: Mabibigo ang Pakanang Persona non Grata ng Rehimeng US-Duterte

NPA-Mountain Province propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 24, 2019): Mabibigo ang Pakanang Persona non Grata ng Rehimeng US-Duterte



MAGNO UDYAW
NPA-MOUNTAIN PROVINCE (LEONARDO PACSI COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
APRIL 26, 2019

Kamakailan, ipinangangalandakan ni Rodrigo Duterte at ng mga opisyal ng Armed Forces of the
Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang sunud-sunod na mga deklarasyon ng mga local government unit sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas na ang New People’s Army (NPA), kasama ang iba pang rebolusyonaryong pwersa sa ilalim ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ay "persona non grat. Maging sa sampung munisipyo ng Mountain Province, kung saan sunud-sunod ang pagkatalo ng AFP-
PNP sa kamay ng mga Pulang mandirigma nitong taon, ay ipinagmamalaki ng mga ahente ng rehimeng Duterte ang mga resolusyon na nagbabawal sa pagpasok ng NPA sa mga komunidad ng mamamayang Igorot.

Lumang tugtugin na ang pakanang persona non grata ng rehimeng US-Duterte, katulad ng kampanyang peace zone, pagpapasurender, localized peace talks, at iba pang taktika sa ilalim ng Oplan Kapayapaan na sa huli ay nabigong supilin ang paglakas njg rebolusyonaryong kilusan sa buong bansa, kabilang ang Cordillera. Sa katunayan, itinatambol lamang ito ng rehimen upang pagtakpan ang mga pagkatalo ng AFP-PNP at ang mismong kabulukan ng sistema na kinakatawan ng reaksyunaryong Estado sa ilalim ni Duterte.

Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, persona non grata at terorista ang mga nakikibaka para sa tunay na pagbabago — ang mga magsasaka, manggagawa, at minorya na sumampa sa NPA upang direktang lumahok sa rebolusyonaryong kilusan na siyang papawi sa pagsasamantala at pang-aapi. Ang malawak na hanay ng masang api na kumikilos at lumalaban para sa tunay na reporma sa lupa, sahod, trabaho, serbisyong panlipunan, karapatan sa sariling pagpapasya, makatarungang kapayapaan, at pambansang soberanya. Sila ang mga kinukundina, dinarahas, at pinupuksa ng naghaharing sistema. Hindi nakapagtataka na sa loob ng limang dekada ay patuloy ang paglakas at paglawak ng rebolusyonaryong kilusan. Ano pa mang pakana o taktika ang gamitin ng reaksyunaryong Estado upang paluhurin ang mamamayang lumalaban, hindi ito magtatagumpay, hangga't nananatili ang mga ugat ng kahirapan sa bansa.

Lalo lamang mabibigo ang mga ganitong taktika sa Cordillera, kung saan matagal nang katuwang ng Kaigorotan ang NPA at ang rebolusyonaryong kilusan sa paglaban sa mga mapandambong at mapanirang proyekto sa enerhiya, logging, at mina. Lagi't laging patutuluyin at yayakapin ng Kaigorotan sa kanilang mga ili ang kanilang Hukbo at ang rebolusyonaryong kilusan na siyang tunay na kumakatawan at lumalaban para sa kanilang interes — para sa karapatan sa lupang ninuno, likas na yaman, at sariling pagpapasya. At higit pa rito, patuloy na hahagkan ng kabataan at mamamayang Igorot ang landas ng paglaban at armadong pakikibaka para sa makatarungang kapayapaan, kasama ang masang aping Pilipino.

Biguin ang Oplan Kapayapaan!

Ilantad at gapiin ang tunay na kaaway ng mamamayan!

Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.