Eliza “Ka Eli” de la Guerra
Deputy Spokesperson
Apolonio Mendoza Command
NPA-Quezon / New People's Army
March 08, 2019
Matagumpay na nailunsad ng mga pwersa ng NPA-Quezon sa ilalim ng Apolonio Mendoza Command (AMC-NPA-Quezon) ang kontra-atake laban sa nag-operasyong tropa ng SAF-PNP. Ganap na alas 8:12 kaninang umaga, Marso 8, 2019 nang tambangan ng NPA-Quezon ang labindalawang (12) elemento SAF-PNP na lulan sa isang elf truck na nagresulta sa pagkamatay ng 1 opisyal ng SAF-PNP at 3 malubhang sugatan sa mga tropa ng SAF-PNP habang wala ni anumang kaswalti sa panig ng NPA-Quezon. Tumagal ng 3 minuto ang palitan ng putok at ligtas na nakaatras ang mga pwersa ng NPA-Quezon habang patuloy na namutok ng mahigit isang oras ang mga pwersa ng SAF-PNP sa direksyon na wala namang kalaban.
Ang mga naambus na opisyal ng pulisya ay bahagi ng laking batalyong pinagsamang pwersa ng SAF-PNP at 2nd ID-PA na mahigit nang isang buwan na naglulunsad ng kontra-insurhensyang operasyon para diumano’y durugin ang NPA sa ilalim ng pakana ng rehimeng US-Duterte na National Task Force to End Communist Insurgency at upang pigilin at takutin ang mga magsasaka, mga katutubong Dumagat at Remontado at mamamayan ng Real, Infanta at Hen. Nakar, Quezon na tumututol sa mapanira at kontra-mamamayang KALIWA DAM at mga Sierra Madre Dams. Ang mga pwersa ng SAF-PNP at 2nd ID-PA ang protector ng mga dayuhan at lokal na malalaking kapitalista na kumikita ng limpak-limpak na tubo sa mga proyekto sa kapariwaraan ng mga mamamayan at katutubo sa nasabing lugar.
Pinagbunyi ng mamamayan ng lalawigan ng Quezon ang matagumpay na kontra-atake ng NPA-Quezon para sa patuloy na pagtatanggol sa interes ng mamamayan at pagbibigay -katarungan sa kanilang dinaranas na kaapihan sa kamay ng mersernaryong mga tropa ng PNP-AFP, na wumawasak sa buhay, kabuhayan at ari-arian ng mamamayan. Pasalubong din ito sa ika-50 anibersaryo ng pagkatatag ng NPA sa Marso 29, 2019.
Ang tagumpay ng aksyon ng NPA na magkontra-atake para magtanggol sa interes ng mamamayan ay dagdag pang patunay na mabibigo ang layunin ng Rehimeng US-Duterte na durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa taong 2019. Patuloy na susuportahan ng mamamayang Pilipino ang CPP-NPA-NDFP habang tuloy-tuloy na kamumuhian nila ang Rehimeng US-Duterte dahilan sa mga kasalanan nito sa mamamayang Pilipino, tulad ng tuloy-tuloy at malawakang pagpatay sa mahihirap, sa tabing ng kanyang kontra-drogang kampanya, patuloy na pagpapahirap sa mamamayan at mabigat na pasaning buwis dulot ng isinabatas ng TRAIN Law, pagbebenta ng soberanya ng Pilipinas at pagkatuta sa Tsina at sa Imperyalistang US, malaganap na paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Martial Law sa Mindanao at de facto Martial Law sa Negros, Samar, Bicol at sa buong bansa at tuloy-tuloy na atake sa buhay at kabuhayan ng mga mahihirap, habang lubos na itinataguyod at sinusuportahan ang interes ng mga panginoong maylupa, malalaking burgesyang komprador, mga oligarkiya sa Pilipinas, at mga dayuhang monopolyong kapitalista.
Mawawala sa kanyang kapangyarihan ang rehimeng US-Duterte subalit mananatili ang CPP-NPA-NDFP at patuloy itong maglilingkod ng lubos sa sambayanang Pilipino. Patuloy itong maglulusad ng digmang bayan hanggang sa tagumpay!
MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!

MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.