Maria Roja Banua
Spokesperson
NDF-Bicol
National Democratic Front of the Philippines
March 31, 2019
Kahina-hinalang hindi napabilang sa listahan ng mga narco-pulitiko sina Paolo Duterte at Mans Carpio sa kabila ng mga naganap na pampublikong pagdinig na nagresulta sa konkretong mga ebidensyang nagpapatunay sa kaugnayan nila sa pagpuslit ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa Davao noong 2017. Tigas-mukhang ilinabas ng Malacanang ang listahan sa kabila ng kawalan ng sapat na batayang nag-uugnay sa droga sa mga pulitikong napabilang rito.
Malinaw na bahagi ang paglalabas ng mga narco-politicians sa malawakang whitewashing o cover-up ng kampo ni Duterte sa kanilang kaugnayan sa malawakang operasyon ng iligal na droga sa bansa. Layunin nitong patahimikin ang mga pulitiko at upisyal ng gubyerno na nakaaalam sa mga operasyon at transaksyon ng sindikato ni Yang at Duterte sa buong bansa. Sa gayon, linilinis ang pangalan ng mga aktwal na kalahok sa kalakalan ng droga katulad nina Paolo Duterte at Mans Carpio upang buong laya nilang maipagpatuloy ang kanilang mga operasyon. Kamakailan lang, agarang lininis ni Albayalde at ng PNP ang pangalan ni Yang gayong hindi pa lubusang napalalalim ang sariling intel report ng kanilang ahensya hinggil sa sindikato ni Yang.
Tahasang ginagamit ni Duterte ang buong reaksyunaryong gubyerno bilang kasangkapan sa kanyang pakanang cover-up. Hindi dapat pabayaan ang pangkating Duterte na salaulain nito ang mga makinaryang para sa demokratikong interes ng mamamayan. Dapat tumugon ang mga makabayang kinatawan sa Kongreso sa paghahain ng mga panukalang resolusyon o motu propio na imbestigasyon. Kuwestyunin sa Korte ang lantarang pag-amin ni Duterte na kanyang inatasan ang pulis at militar na patayin si Acierto.
Nananawagan ang mamamayang Pilipino sa mga lingkod-bayan, pulitiko at upisyal ng reaksyunaryong gubyerno na pumanig sa lumalawak na panawagang imbestigahan si Duterte at ilantad ang tunay nitong katangian bilang isang drug overlord.
https://www.philippinerevolution.info/statement/bakit-wala-sa-listahan-ng-mga-narco-pulitiko-si-paolo-duterte-at-mans-carpio/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.