NPA-Quezon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 12): Ipinagdiriwang ng mamamayan ng Bondoc Peninsula ang pamamarusa sa notoryus na anti-magsasakang si Ruben Carabido
Ka Cleo del Mundo, Spokesperson
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)
12 June 2018
Sa pagkamatay ni Ruben Carabido, napawi ang takot ng mga magsasaka sa notoryus na landgrabber at kakutsaba ng mga panginoong maylupa na matagal na nagpahirap sa mga magniniyog at residente ng Bondoc Peninsula.
Si Ruben Carabido ay inisparo ng isang yunit ng NPA sa ilalim ng Apolonio Mendoza Command noong June 11, pasado alas dose ng tanghali sa Barangay Busok-Busokan, bayan ng San Narciso.
Naganap ang pamamarusa habang nasa bahay ng kanyang kapatid si Carabido at nag-aabang ng mga tenanteng magsasaka na maglalabas ng niyog. Plano ni Carabido na ipahuli at kasuhan ang mga magsasaka.
Armado si Ruben Carabido at may minimintineng private armed goons ng mga landlord at kasapakat ng mga AFP-PNP-CAFGU, dahil rito, lehitimong target siya ng Bagong Hukbong Bayan.
Si Ruben Carabido ay kilalang enkargado o tagapangalaga ng lupain ng mga landlord na pamilyang Reyes at pamilyang Uy sa mga bayan ng San Andres at San Narciso.
Sa panahong siya ang enkargado, si Ruben Carabido ang naging tagapagpatupad ng mga mapang-aping patakaran ng mga panginoong maylupa kagaya ng mataas na upa sa lupa, mababang pasahod sa upahan, at pagbabawal na magtanim at mag-alaga ng hayop.
Utak siya ng pandarahas, pananakot, pagpapakulong at pagdurog sa pakikibakang masa ng mga magsasaka.
Katunayan, ang kasalukuyang kriminalisasyon sa usaping agraryo sa 349-ektarya na pag-aari ni Dr. Vicente Uy sa Barangay Camplora sa bayan ng San Andres ay pakana ni Ruben Carabido na nagresulta sa pagkakaso sa dalawampu’t dalawang tenante at magsasaka.
Nakakulong na ngayon ang anim na magsasaka sa kasong qualified theft at ang iba pa ay naobligang lisanin ang kanilang lugar.
Hinding-hindi malilimutan ng mga magsasaka sa Asyenda Uy nang alpasan ang mga baka noong Mayo 2015 at hinayaang kainin at sirain ang maisan na namumunga na.
Sa Barangay San Vicente ng San Narciso, enkargado rin siya ni Juanito Uy. Nitong nakaraang buwan ng Mayo, ipinatawag ni Carabido sa opisina ng Meyor ng San Narciso ang may labindalawang (12) magsasaka na CLOA beneficiary.
Pagdating sa munisipyo, mayroon nang yaring papel na notoryado na nagsasabing isinusuko na ng mga magsasaka ang kanilang karapatan dahil hindi na nila kayang hulugan sa banko ang amortisasyon ng lupa. Walang nagawa ang mga magsasaka kundi pumirma.
Sa Barangay Binay, bayan pa rin ng San Narciso, enkargado si Ruben Carabido ng pamilyang Veluz sa 70-ektaryang sakahan. Pasimuno siya sa pagpapalayas sa mga magsasaka kapalit ng lupang kunwang idodonasyon ng mga Veluz kay Carabido.
Sa Sityo Nangka ng barangay Vigo Central, San Narciso kinamkam niya ang may 105-ektarya na malaon nang kumpiskado ng rebolusyunaryong kilusan. Sapilitan niyang tinakot at pinalayas ang mga magsasaka rito.
Notoryus din sa Carabido sa maraming nakawan ng kalabaw at baka. Siya ang pangunahing itinuturong ulo ng sindikato ng mga mangangalabaw sa bayan ng San Andres at San Narciso.
Ginamit ni Ruben Carabido ang kanyang pusisyon at impluwensya para manatili sa pagiging kapitan ng barangay at magkamit ng mga pribilehiyo.
Katunayan, palaging walang kalaban o takot ang sinuman na lumaban sa kanya tuwing eleksyon dahil balitang-balita na ipapapatay niya ang hahamon sa kanyang kandidatura.
Ilan lamang ang nabanggit sa mahabang listahan ng utang at krimen ni Ruben Carabido sa mamamayan ng Bondoc Peninsula. Hindi ito lingid sa kaalaman ng marami.
Ang pamamarusa kay Ruben Carabido ay tugon ng rebolusyunaryong kilusan sa malaon nang kahilingan ng mamamayan na tapusin ang pamemerwisyo sa kanila.
Magsilbi itong babala at makakaasa ang uring magsasaka at iba pang maralita sa kanayunan na hindi makakalampas sa rebolusyunaryong hustisya ang sinumang may krimen sa mamamayan.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.