NPA-Bulacan propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jun 14): Kumpanyang pag-aari ni Lucio Tan, nireyd ng NPA-BULACAN. Pitong armas, nakumpiska!
Jose Del Pilar, Spokesperson
NPA-Bulacan
14 June 2018
Matagumpay na ni-reyd ng New People’s Army (NPA-Bulacan) ang opisina at detatsment ng mga armadong goons ni Lucio Tan na nakatalaga sa kanyang kompanyang Monte Grande Development Corporation sa Barangay Ciudad Real, San Jose Del Monte City, Bulacan, kahapon, Hunyo 13, 2018 sa ganap na ika-11:00 hanggang ika- 12 :00 ng tanghali.
Si Lucio Tan na dating “dummy” ng diktador na si Marcos ay naging kaibigan at kasabwat ng mga pumalit na preidente kat Marcos tulad nina Aquino, Ramos, Estrada, Macapagal-Arroyo at ngayon ay malapit na ring kaibigan ng rehimeng US-Duterte kaya’t patuloy itong namamayagpag sa pang-aapi at pagsasamantala sa mga magsasaka.
Sa reyd na ito ay nakumpiska ng NPA-Bulacan ng pitong (7) armas kabilang ang 5 na mataas na kalibreng baril at 2 pistola at mga bala. Binabalaan din ang mga empleyado ng kompanya na itigil na ang kontra-magsasakang gawain.
Ang nasabing kumpanya ni Lucio Tan ay sangkot sa pangangamkam ng lupa sa mga magsasaka. Umabot sa 77 ektaryang lupa ang kinamkam sa mga magsasaka sa nasabing lugar.
Sa kabila ng kahilingan ng mga magsasaka na igalang ang kanilang karapatan sa kanilang lupa ay nagbingi-bingihan ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Agrarian Reporms (DAR). Sa halip na saklawin ng reporma sa lupa ay hinayaan ng mga ahensya ng gobyerno ang kompanya ni Lucio Tan na kamkamin ang lupa at palayasin ang mga magsasaka sa kanilang lupang sakahan.
Dahilan sa kawalang pag-asa na mabigyang katarungan sa ilalim ng mga nagdaang rehimen at maging sa kasalukuyang rehimeng Duterte ay lumapit ang mga magsasaka at mamamayan sa nasabing lugar sa kausap na gobyerno ng Pilipinas sa Usapang Pangkapayapaan, ang Demokratikong Gobyernong Bayan na pinamumunuan ng CPP-NPA-NDFP para sila ay mabigyang hustisya sa kanilang kaapihan.
Ang reyd na ito ay aksyong pamarusa sa kompanya ni Lucio Tan bilang pagbibigay katarungan sa kaapihan ng mga magsasaka at mamamayan na pinagsasamantalahan ng nasabing kompanya. Magsilbi itong babala sa lahat ng mangangamkam ng lupa sa lalawigan ng Bulacan na hindi kailanman mapapayagan ng NPA ang patuloy at walang habas na pangangamkam ng lupa at pang-aapi sa mga magsasaka ng mga malalaking pangnoong maylupa, burgesya kumprador at mga dayuhang mandarambong.
Ang NPA, sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, ay patuloy na paglilingkuran ang sambayanan. Kakapit-bisig ng buong bayan ay bibigyang katarungan ang mga kaapihan ng mamamayan hanggang sa ganap na paglaya sa pagsasamantala ng iilan. Ang lahat ng kasapi ng Bagong Hukbong Bayan ay laging nakahandang ialay ang buhay para sa sambayanan Pilipino.
MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!
https://www.philippinerevolution.info/statements/20180614-kumpanyang-pag-aari-ni-lucio-tan-nireyd-ng-npa-bulacan-pitong-armas-nakumpiska
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.